Uae work
Hello po sa mga nakapagtrabaho na sa Dubai/UAE! May tanong lang po sana ako at baka may makapagbigay ng advice.
Plano ko pong magtrabaho sa Dubai, specifically sa HR, administrative, o iba pang corporate jobs. May chronic hepatitis B po ako at kasalukuyan akong umiinom ng maintenance medication.
Base po sa mga nabasa at na-research ko, hindi naman daw required ang hepB test para sa UAE work visa kung corporate o office job ang papasukan. Pero may concern lang po ako tungkol sa mangyayari kapag nasa Dubai na ako.
Halimbawa po, nakakuha na ako ng work visa, nakapagtrabaho na, at may health insurance na. Gusto ko sanang ipagpatuloy ang pag-inom ng gamot at regular check-ups ko. Kung pupunta po ako sa clinic o ospital at sasabihin ko na may chronic hepatitis B ako, okay lang po ba iyon?
May posibilidad po bang i-report ng clinic o doktor ang kondisyon ko sa mga awtoridad, at makaapekto ito sa visa ko o maging dahilan ng deportation?
Isa pa pong tanong, okay lang po ba kung i-disclose ko na agad sa employer ang kondisyon ko during the interview, o mas mabuting huwag na lang kung hindi naman ito required?
Gusto ko lang pong maging tapat sa healthcare providers at sa magiging employer ko kung kinakailangan, para maipagpatuloy ko nang maayos ang treatment ko. Pero nag-aalala lang po ako kung may legal, employment, o immigration consequences ang pag-disclose ng kondisyon ko.
Kung may nakakaalam po tungkol sa healthcare system o employment rules sa UAE, o may personal experience na katulad nito, lalo na po sa mga nasa UAE o nakaranas ng ganitong sitwasyon, malaking tulong po ang anumang maibabahagi ninyo. Maraming salamat po!