LESS EFFORT NUNG NAGING KAMI NA, WHAT DO YOU THINK?
before naging kami halos parang aso siya na naghahabol tas grabe din ang effort, pero nung naging kami na wala na, kahit isang tangkay ng flower wala. Di narin nagpaplano ng dates, if may dates man, gusto niya don lang kami lagi sa bahay nila at ayaw na niya masyado yung lumalabas kami like we used to, palaging ako nagpaplano. Alam ko napaka shallow nito ah, pero dati di siya natutulog para lang makausap ako (different shifts) pero nung naging kami na, kahit 1 hour hirap na siyang ilaan saakin dahil pagod daw siya. Nakausap ko na siya regarding there pero sabi niya comfy na daw kasi siya sakin so di na siya mag mamask up. Naiintindihan ko din naman na pagod siya minsan kaya di ko siya iniistorbo. Men of reddit, is it normal or should i be worried? Di ko nadin siya makausap ng maayos since lagi siyang pagod kahit same lang naman yung routine niya nung nililigawan niya ko atsaka ngayon. One time dineretsa ko siya in a malumanay at mahinhin way "love, bakit kahit bare minimum effort di nako nakakareceive? dahil ba nakuha mo na ko?" sabi niya hindi daw ganun.