MCA I gave up on my weight but I finally felt happy
Simula grade school, I had always been a big girl, particularly nung Grade 2 and Grade 3 ako. As in ang taba ko. Kahit nung pumayat na ako ng intermediate to high school, I still felt big. Nakakainis kasi, pag tinitingnan ko yung pictures ko dati, ang payat ko pala. Feeling ko lang ang taba ko, kasi may bilbil pa rin ako tapos yung bone structure ko especially my shoulders stayed broad dahil mataba ako nung bata. Haba baba na ako nun ah, pero I still felt fat. Also, karamihan ng girls sa amin noon sa school, 40s na kilograms ang range, so ako na 50 na mega believer pa dati sa BMI, ganun na lang ka-despondent.
Nag-gain ako uli ng weight nung senior high. Ang pangit ko nun grabe. It was during my freshman year nung college, na pumayat uli ako nang bongga. Bakit? Kasi simula nung last few months ng Grade 12 ko, I developed an eating disorder. Undiagnosed ako sa totoo lang, so I won't name names, pero sure ako na meron ako. Up to this day, cargo ko yang eating disorder na yan. Panay ako laxatives, na concerned na look sakin nung pharmacist when buying teas. Nung wala nang effect? Hi purging via oral route. Kada meal, sinusuka ko. Walang araw na pumasok ako sa uni na hindi masakit ang ulo ko. Araw-araw nahihilo ako dahil kada kain ko, pinipilit ko sumuka.
Again, kahit payat ako noon, feeling ko ang taba-taba ko, that it wasn't enough. Na kahit anong makeup ko, kahit anong ayos ko, mataba ako. Pangit na, mataba pa ako. Tapos hindi pa ako popular sa guys. All I had were my brains and EQ, yung tipong sasabihan ka ng lalaki ng “ang attractive ng brain mo” “sarap mo kausap” “sana lahat ng babae kagaya mo” pero hindi ka ginugusto beyond a friend. Kahit anong effort ko to stay thin with all the daily headaches and near fainting spells, wala. I was still unwanted. I still felt too fat.
Then pandemic came. A year into the pandemic, doon na ako talagang lumobo. Yung tipo na, yung uniform ko talaga noon, hindi na magkasya. Buti na lang online class. Tapos nung bumalik na sa face-to-face, pangit na pangit ako sa sarili ko. So my old habits that got quieter, pinilit ko dumalas uli. Purging, OMAD, intermittent fasting, lahat sinubukan ko… pero my weight barely budged. Hindi na siya gaya nung freshman year ko na biglang slim ako.
Idk what happened. Ginawa ko naman lahat ng diet and purging na kaya ko noon. Noong mga panahon na yun, peak pa yun ng undiagnosed mental health problems ko. Imagine how despondent I was. So, it was such a wonder to me na years later, dumating na sa point na nag-give up na ako.
It started out slowly. Amininado naman ako eh. Lahat na ng klase ng exercise na kaya ko noon, except sa gym, ginawa ko na. Anlala ko mag-HIIT dati. Pero ningas-kugon talaga ako eh. I’ll start intensely, pero pag dumating later on yung katamaran ko, eh I’ll gradually stop. Napagod na ako sa start-stop cycle na yan. Tinanggap ko na na wala akong disiplina. Pati diet, sinukuan ko na hardcore na diet. Pag gutom, kain. Fck starvation, ayoko na.
It helped din my friends besides my family and other tita churchmates, ay todo hype sakin sa looks ko. Kahit walang nanliligaw sakin, kahit binabash ako sa internet pag nakikipagbardagulan ako sa discourses, kahit hindi talaga ako conventionally attractive, pinaramdam nila sakin na maganda ako. Grabe mag-help sakin mag-picture friends ko. Hindi ako marunong mag-posing, tuturuan nila ako. Maganda phone nila, so pipicturan nila ako with their phones. In-encourage nila ako when I started exploring my fashion style and commented anong bagay sakin. Kapag maganda ang hair ko that day o glowing ako, pinupuri nila ako. When I matter-of-factly self-deprecate, you can genuinely see the sadness in their eyes as they say “bat ang baba ng tingin mo sa sarili mo?”
Now, I can say na yes, I somehow gave up na regarding my weight and looks. Yung tipo na hindi na ako sobrang nage-exert ng effort sa bonggang-bonggang exercise + I regulate my diet for health purposes, hindi para pumayat or what lalo na I have terrible acid problems now thanks to 7 yrs of purging. Tinutuloy ko rin yung pagkain ko ng maraming fiber and protein, dahil gusto ko at nae-enjoy ko. Yes, nag-give up na ako in a way, pero somehow masasabi ko, masaya ako.
Syempre, hindi ko naman mapipigilan yung utak ko pag dinidemonyo ako ng insecurities ko. May panahon din naman na titingin ako sa salamin and I hate how I look. Titingin ako sa social media, makikita pretty, sexy girls, and I’ll be envious at times sabay scroll away na agad. Pero, alam nyo yun, dumating na sa point na naisip ko, wala namang magagawa kung puro self-pity nalang ako. Wala namang mangyayari kung lagi nalang sasama ang loob ko. Eh tamad naman ako at walang disiplina, so, wala rin naman akong magagawa about my weight na, except sa small things. So, acceptance na lang.
Tinanggap ko na lang talaga na ito na yung weight ko. Kung pumapayat ako, hindi ko sadya. Gaya nung nag-sem break ako ng two months sa house, kusa akong nabawasan ng 3kg kasi mas regulated ko yung food ko sa house compare sa order lang sa dorm. Kasya na nga uli uniform kong di ko masuot last sem. I learned na rin to stop eating pag uncomfy na talaga stretch ng tummy ko + I take meds for my acid reflux. So for me, small wins na yun. Nagi-invest na rin ako sa wardrobe ko, lalo na I feel beautiful pag nagde-dress up, eh di dun na lang ako bumabawi. Tapos skincare kahit papaano, I try na rin.
It's just so funny to me na ngayon pa na I am at like one of my heaviest weights ever ako naging happy about myself. Ngayon pa ako nagkaroon ng confidence. I may be fat, but at least I am happy. At least hindi ako in pain at lagi na lang on the brink of fainting. Mas okay ang mental health ko ngayon. Yung concerns ko hindi na about masyado my weight kundi sa iba nang matters. Tapos lately, especially nung nagbakasyon ako abroad, I found myself genuinely liking how I look sa pictures. Dahil ba iPhone? Haha thanks friends talaga.
I doubt magkaka-boyfriend o asawa pa ako, given na nasanay na rin ako na men who find me attractive body-wise eh sex lang habol sakin. Kesyo nung matino ako noon and now na makalat na ako online posting and discreetly irl na I sleep with safe people, wala namang may bet sakin, perhaps except one guy rn na nag-drunk confession pero di naman ako pinupursue ano, so tanggap ko na rin. Lonely oo, pero at least, may part sakin na finally, mahal ko na sarili ko. Yung tipo na kahit i-judge ako ng iba, kahit sabihin nila kung gaano ako kapangit, kahit pa iparamdam nila sakin na ako yung biggest girl in the room, eh wala na ako masyadong pakialam. Ano ngayon kung gasul ako? Ano kung pakarat ako at wala raw self-respect? Masaya man ako sa sarili ko. I feel beautiful. I feel free. I feel somehow myself… and that is what is important to me now.
To be clear lang hah, baka sabihin ng iba, nagpo-promote ako ng unhealthy living and obesity. Hindi ho ganon. Gusto ko lang sabihin na posible pala na even if hindi tayo conventionally attractive, hindi pasok sa standards ng society, hindi gustuhin, pwede naman tayo maging masaya. Pwede pala maging confident. Pwede pala na magkaroon ka ng acceptance in yourself without being miserable, but rather being happy in who you are.