
Gigil ako - Insensitive Vloggers
Context: May lalaking bata na tinanong kung boyfriend o girlfriend ang gusto. Ang sagot ng bata ay boyfriend.
Napaka-insensitive naman ng vlog na ito.
Unang-una, hindi mo dapat tinatanong kapag hindi pa ready ang bata sumagot. Hindi mo man lang tinanong bago kayo magvlog kung kumportable ang bata sa tanong? Siguro naman kahit i-brief ang ganyang tanong dapat hindi pa rin tinutuloy.
Noong bata ako, naging matapat din ako sa tanong. Alam mo kung anong nangyare? Buong kapitbahay ko kinukutya ako. Lagi akong inaasar. Mga kalaro kong lalaki lagi nilang bitaw sa akin na gusto ko sila. Sa eskwelahan din ginagamit na asar yan. Maski nga sa simpleng komunikasyon na tatawagin kang “Teh”, “Sissy”, at “Bakla” medyo nakaka-offend kasi nga bata pa ako at nasa proseso pa ng pagtanggap.
Alam kong iba ang istorya ng bawat isa pero tignan mo reaksyon niya sa video?
Pangalawa, kahit tanggap siya ng magulang (proud ako kasi bata pa lang supported na), ipabalita sa lahat at ipost, hindi pa rin kumportable. Nag-joke ka pa ng “Barbie” kahit sabi “bike?” Kita mo naman sa reaksyon na mangiyak-ngiyak at nagtago sa likod at nagjoke ka pa.
Do not out someone na hindi mo naman concern. Hindi natin alam na may inner thoughts ang bata sa paano niya tatanggapin ang lahat. Baka nga sa video na iyan ay maging matagal pa ang pagproseso ng pagtanggap niya.
Nakakabwisit lang. Naaalala ko tuloy yung level ng kaawaan ko at kahihiyan kapag ganito na ang usapan.
Pero proud ako kay mommy rin kasi buo niyang tanggap anak niya. Sa mga vloggers, bwisit kayo.
PS: Btw, dahil sa akala nilang joke ang orientation, nakabuo ako ng galit sa mga lalaking makaastang pogi, sobrang lalaki, at basta mga lalaki.