Ragebaiting my Narcissistic Mother
Nakakatawa talaga yung nanay ko na ang pwede lang niyang irebat sa discussion namin is : "Nanay mo pa din ako" or "Utang mo sakin ang buhay mo".
For context my mom is a stay at home wife who barely had any contribution in my upbringing. Nag-co-co-exist lang kami but I would say na I got by because of the help from my kind tito and titas.
Maraming kabulastugan na nagawa ang nanay ko over the past 26 years of my life, here are a few examples:
Nagalit dahil hindi ko pinrioritize na bigyan siya ng pambayad ng utang pagkakuha ko ng scholarship money ko right before my last semester in college. I explained na sakto lang yung scholarship money ko for my tuition and graduation fees pero nagalit pa din. Di na lang siya natuwa na naka-graduate ako kahit wala siyang inambag.
Pinalayas ako sa bahay nila dahil pinagtanggol ko yung tita kong nagpalaki sakin from her sister-in-law na naninira sa kanya sa harap ko. Hindi daw nya gusto akong palayasin but since nag-eenjoy sila na binubuhay sila ng sister-in-law nya wala daw siyang magagawa.
I came out to her as gay pero pinigilan nya kong mag-come out sa stepfather ko. Because guess what? Mas natatakot siya sa sasabihin niya kesa sa nararamdaman ko.
Ngayon nagtataka siya bakit daw ang layo ng loob ko sa kanya? There was a time na nangako ako na iaahon ko siya sa kahirapan. Kaso nadevelop front lobe ko and I realized that she was the problem. Nire-ragebait ko na lang siya sa chat na kesyo pano niya nasabi sakin na utang na loob kong magbigay ng pera sa kanya porket dumaan ako sa ekup niya? Sinabihan pa nya ako na kahit ibigay ko buong sahod ko sa kanya buong buhay ko di yun sapat sa mga non-existent na sakripisyo nya. Pati tita ko na nananahimik who I dearly love dinadamay pa sa usapan na kesyo bakit daw ako mas close sa kanya e siya ang nanay ko?
I already grieved my mom a long time ago. I realized na kahit anong gawin ko hindi ko na mababago ang mindset niya. It's eary how I am just calm and collected na nakikipagsagutan sa kanya sa chat over some stupid shit that she is saying. Hindi na ako apektado sa mga pagpapa-awa niya. Sinabihan ko pa siya na tigilan niya ang pagpapadaan ng messages niya about sa pera sa ibang mga kamag-anak namin dahil kahit si Jesus pa kumausap sakin same lang din isasagot ko compared sa kung siya mismo magsabi sakin.
I am now 26. I have decided to find my chosen family and keep an open arm to people who can become important in my life. Lately I make concious effort to socialize with people kahit sa mga group chats lang with random people. Mahigpit na yakap na lang talaga para satin na hindi na-blessed ng mga matinong magulang.