Nagpabakod kami at yung nga kapitbahay nagrereklamo kasi mabilis na daw silang binabaha
May habol ba sila sa amin, legally?
Recently, we built a concrete fence sa lupa namin. Hindi pa tinayuan ng bahay pero for veggie and fruit gardening and livestock pa lang yung nandon.
Umulan this past few days. Nagreklamo na mga kapitbahay na ang bilis na daw silang binabaha. Hindi man nila direkta sabihin na at fault kami dahil sa bakod pero we know kasi they even took a video at our fenced area. Sinasabi din nila na “kawawa daw sila”, “na flood control daw”. And maraming parinig sa gc
What hurts me the most is kami yung nagbabayad ng tax sa right of way na sila din lang ang gumagamit every single day, we even let them harvest veggies if they want to, and before kami nagpatayo ng bakod, nagbigay din kami ng ilang meter sa kanila para may daraanan sila sa likod ng bahay nila, wala kasing setback sa mga bahay nila, kung nasaan ang mohon don nila agad pinatayuan ng bahay. Tapos pinaparinggan ng ganon ganon na lang?
Why not find ways para hindi bahain sa inyo?, like bumili ng tubo para iconnect sa drainage ng kalsada.
Paano na lang if we have plans to built a house doon, talagang tataas ulit sa amin tapos kami na lahat isisisi pag uulan. Wala ng peace of mind. Na para bang wala na kaming karapatan sa mismong lupa namin.
We are planning to sell the land na lang para kung ano ang gagawin ng new owner ng lupa wala na silang isisisi sa amin.
Pwede ba kaming kasuhan? Or ipa barangay?
What should we do to stop all their patutsada?