Saan pa po ba magandang maghanap ng legit clients bukod sa Facebook groups?
Hello mga co-VAs! Gusto ko lang po sanang humingi ng payo. Ilang beses na po akong nagpo-post ng mga services ko sa iba't ibang VA groups sa Facebook, pero karamihan ay walang pumapansin o kaya naman ay puro scam at "training fee" ang nag re reply.
May iba pa po bang platform para makahanap ng direktang kliyente ngayon? Baguhan pa lang po ako kaya malaking tulong po ang mga tip ninyo.
Salamat po nang marami sa sasagot!