
Affiliate
Wala ba talagang commissions sa Apple Flagship Store? Potek nag viral yung ip17pm kong post, halos 10 orders pero walang commissions?! 😭😭😭😭

Wala ba talagang commissions sa Apple Flagship Store? Potek nag viral yung ip17pm kong post, halos 10 orders pero walang commissions?! 😭😭😭😭
2024 nagresign ako sa work (OFW) para matutukan ko newborn ko. Choice ko yun. Kasi gusto ko ako talaga mag alaga sakanya. But as time goes by, kinakain ako ng lungkot ko. Lungkot na, parang nawala na yung dating ako. Yung hiya ko sa hubby ko na hindi makatulong sa finances. Yung dating ako na may sariling pinagkakakitaan. Although si hubby naman hindi nya ako pinepressure. Support lang lagi sya sa decisions ko. Ako lang talaga tong may problema.
Ilang beses ako nagtry mag apply ng wfh. Nag live selling ng mga ukay. Wala. Sobrang hirap ng competition dito sa Pinas. Kailangan maganda exp mo sa corpo. Thousand na yata applications ko lahat rejected. Hays.
Ngayon, I tried to contact yung dati kong leader sa company kung tatanggapin pa nila ako if ever mag apply ulit ako sakanila. Sabi nya oo. So ngayon balak kong bumalik na. Kahit madami pang dapat asikasuhin.
Tama ba mommy na iwan ko muna toddler ko? For her sake rin naman. Sobra nga lang yung guilt na nararamdaman ko ngayon habang iniisip na iwan ko siya. 🥺
Hi guys. Tanong ko lang, anong business niyo and pwede ba magbigay kayo tips on how to start? Anong maganda business ang pwede sa residential area?
Hello! Recently lang ako nagpagawa ng National ID, and yung ginamit kong name is yung married name ko na kasi kakakasal ko lang last year. Ang problema yung egov ko, maiden name parin nakalagay. 2 months ko ng hinihintay magreflect ung National ID sa egov ko. Dahil ba yun sa magkaiba yung name sa egov app at National ID?
Received this email a while ago.
I've been unemployed since Dec 2024 kasi ako nag-aalaga ng baby ko. Since then nagtatry na talaga ako magapply ng mga WFH jobs. Lahat olats hahaha. And receiving this kind of email gives me hope. Although alam ko namang send to many yung gantong email at maraming mas magagaling. Kasi ano ba naman laban ko sa mga magaganda ang exp. Tapos wala pa akong exp sa WFH jobs. Hahaha. I hope mabigyan ako ng chance na makaland ng work para matulungan ko na yung asawa ko sa bills. Yun lang. Hahaha. Pls wag na kayo magcomments ng masasakit. 😂 Kahit encouragement comments nalang. Thank you guys!!