Utang
Kailangan ko po ng advice. May humiram po sa akin na kapitbahay nu March sa halagang 20k at babayaran daw after 2 weeks. Tutubuan daw po kasi gagamitin sa babuyan business nila. Ako naman since katapat lang ng bahay namin at dahil akala ko totoo at tapat pinahiram ko po. Ngayong week, 350 lang binigay sa akin at puro alibi. Dahil na sa tapat lang naman namin sila, pumunta ako sa kanila at medyo napalakas ang boses ko pero hindi ko naman siya sinabihan nung kung ano, sinabi ko lang pinaiikot ikot na lang niya ako sa mga pangako niya. Itong humiram, siya pa nagreklamo sa HOA at Brgy, ako daw po ang kakasuhan niya at hinarass ko siya. As nagpautang, ano naman po ang protection ko?? Kasi kailangan ko din nung pera ko lalo na unemployed ako at sa savings ko lang din ako umaasa. At tinatakot pa ako nilapit na nila sa brother-in-law nila ng kapatid nang husband niya na pulis.
Gumawa din ako ng affidavit para kasulatan na magbayad siya sa date ng pinagkasunduan namin, di niya rin naman pinirmahan.
Ano kayang pwede kong gawin para mapagtanggol ang sarili ko sa stress at mabalik ko yung pera ko. Kasi malaking na din para sa akin ang 20k.