Ang laki na talaga ng pinagkaiba!
Napakinggan ko ngayon yung isa sa texto o paksa ni KDR noong pre-pandemic, tapos kinumpara ko sa mga napapakinggan natin ngayon. Grabe, ang laki talaga ng pinagkaiba.
Dati, mas malinaw at may direksyon yung paksa. Ngayon, parang kung saan-saan na napupunta ang daming topic na pinapasok kaya sa huli, sabog at mahirap nang sundan, hanggang sa wala ka nang maintindihan o matandaan. Tas yang walang kamatayang introduction, kaya parang walang natatapos na paksa.
Napapansin ko rin na paulit-ulit na yung mga paksa ngayon. Hindi ba’t ang Dios ay nagpapakain ng napapanahon? Pero ngayon, parang paulit-ulit na lang at parang wala nang bagong maihain na aral na talagang tatatak sayo.
Nakakalungkot lang isipin, kasi hindi ito yung klase ng pangangaral na sinampalatayanan ng karamihan sa mga kapatid noon. Klaro na may pagkakaiba talaga kapag pinakinggan mo at ikinumpara ang mga dating pag-aaral sa mga napapakinggan natin ngayon.