Biggest regret
Hi mga ka-mommies 👋 gusto ko lang mag labas ng sama ng loob. Meron na ba nakaranas sa inyo ng verbal and emotional abused from your partners or husband? How do you deal with it? Grabe yung emotions ko lately. Yung husband ko pag kinoconfront ko regarding family problem lagi siyang pasikot sikot ng kwento tapos binabalik yung mga past events tungkol sa akin na matagal ng tapos hanggang sa hindi na mapagusapan yung totoong problem tapos ako pa yung nagmumukhang may mali at problema sa dulo. Pagod na pagod na ako sa ganitong setup. Kung alam ko lang na ganito magiging ending ko hindi ko sana binitawan lahat ng job opportunity ko before para alagaan ang anak namin kung ganito lang. I feel lost, blank, uncertainty, worried sa future ko. 😢😔
u/GardenAshamed3306 — 1 month ago