Ganito pala pakiramdam na na-scam ng AED90K
Yes, you heard it right. 1 week na bukas nung nascam ako 90k dirhams na binuno ko ipunin in 4.5 yrs of consistent saving. Siguro nga karma na din to sa pagiging greedy kasi may nakuha ako nung umpisa hanggang di ko namalayan nabuhos ko na pala buong funds ko. Di ko lubusan maisip na nahulog ako sa ganito knowing na napaka-conservative ko pagdating sa paglalabas ng pera. sobrang kapal lang netong mga ganitong scammer indenial na gusto pa maglabas ako ng additional funds para lang makuha ko yung pera ko.
Ganito pa na employed pero unpaid since June dhil padin sa current situation sa gulf. Working po ako in hospitality that’s why.
Learned my lesson talaga malala. Zero balance sa bank at umaasa sa credit card na alam kong lulubugin ako soon kung di ko maaagapan.
What kind of scam: NFT improving
Website: mooardigital.com
Action: Naraise ko na sa kinauukulan gaya ng Dubai Police at nabigay lahat ng solid evidence at mga tao na kasama sa palakad na to
Any words of wisdom mga kabayan? Naisip ko na yung pinakaworst na pwede kong gawin sa sarili ko pero nilalabanan ko lang. 😭
Edit: 15 August 2026
May mga kabayan na po na nagchat sakin ngayon ngayon lang na ongoing yung transaction nila sa same website and recruiters… please wag na kayo tumuloy. Magkakasabwat yan pati mga bagong agents na inaadd nila sa GC nyo.
Edit: 16 August 2026
Makikita nyo jan sa may comment section yung scammer na napareply na sa post ko hahahaha. Actually, pinipilit nila kong iturn down tong reddit post ko. Siguro wala sila mascam kasi nasesearch na sila sa google 🤣