ABYG kung 'di ko sinamahan 'yung kaibigan kong magtingin ng mga condo?
Nakatanggap ng magandang job offer 'yung best friend ko (F25) at balak niyang lumipat malapit doon. Sa Mandaluyong siya ngayon nakatira at sa condo sa Parañaque naman siya lilipat by the end of August. Medyo may kalayuan sa akin kasi sa Pasig ako nakatira.
Ilang linggo na ring nagpapasama 'yung kaibigan ko sa akin mag-condo visit ng Sabado (Sunday ang rest day niya) pero hindi ko siya mabigyan ng solid na oo. Aminado naman ako sa kanya na masyado akong down nitong mga nakaraang araw para lumabas at makipag-interact.
Ako kasi 'yung may sasakyan sa aming dalawa. Bukod pa rito, graveyard shift ako na nagtatrabaho araw-araw (wfh naman). Kung ipagmamaneho ko siya, hindi talaga ako matutulog sa araw na 'yun at papasok na antok.
(Bukod pa rito, kailangan ko pa siyang sunduin sa subdivision niya bago pumunta ng Parañaque. Hindi ko rin ugaling maningil ng gas/toll fee pero siya naman 'yung nagbabayad ng parking kapag lumalabas kami.)
Last week, umoo na akong sasamahan siya ng Sabado. Nag-iba nga lang 'yung ihip ng hangin kasi biniro ko siyang kunin 'yung sasakyan nila sa province (Walang masyadong gumagamit) para siya naman ang mag-drive rito sa Manila & ako ang maging passenger princess. Ayaw niya kasing magmaneho rito dahil magulo raw...
Na-bring up ko lang din 'yun dahil kausap ko rin 'yung isang friend namin tungkol sa kotse. Hindi ko talaga intention magpasaring pero nasabi ko rin na ang layo talaga ng Parañaque (Ang context dito ay paano kung gagala kami after niyang lumipat at saan kami magkikita, sinusundo ko kasi siya now).
Pagkatapos 'nun, sabi niya sa akin, sasamahan na lang daw siya ng pinsan niya mag-check ng mga condo.
Ngayon, ilang araw na niya akong hindi nirereplyan sa Messenger.
Tingin ko hindi naman niya dapat ako i-ignore sa Messenger dahil lang doon. Hindi rin naman ako nangako (o naging enthusiastic) na sasamahan ko siya magtingin ng lilipatan. Pero... ako ba 'yung gago rito?