First time magpapa-wax. Any tips?

Plano ko sana after ng run ko. Okay lang ba na galing akong run, or mas okay if ibang araw na lang?

Ano rin yung mga dos and don'ts before and after the appointment? Kailangan ba mag-trim beforehand, or sila na ang bahala? May pwede bang i-take before the session para mabawasan yung pain?

Also, which do you recommend, Lay Bare or Hey Sugar?

Any aftercare tips to avoid irritation or ingrown hairs would be appreciated. Thank you!

reddit.com
u/HowsDWeatherInsideU — 22 hours ago
▲ 1 r/cavite

May bumibiyahe na bang jeep, bus, o UV Express bandang 3:00 AM?

Kailangan ko kasing bumiyahe papuntang Baclaran from Molino, Bacoor nang madaling araw, pero wala akong idea kung may masasakyan na ba sa ganung oras. Salamat sa sasagot!

reddit.com
u/HowsDWeatherInsideU — 1 day ago

Sinasabihan n'yo ba yung tao kapag may something sa suot nila (e.g., see-through, kita panloob, etc.), or hinahayaan n'yo na lang?

Saw a girlie na see-through yung cycling shorts niya. May kasama kasi siya, kaya nahiya akong lapitan.

reddit.com
u/HowsDWeatherInsideU — 3 days ago

Was This Worth Reporting or Am I Overreacting?

Problem/Goal:

Hindi ako sure kung dapat ko pa ba itong i-report sa barangay. Feeling ko it's too much at ang OA ko. Gusto ko rin sana i-report kung paano hinandle ng barangay staff yung situation, pero hindi rin ako sure kung tama ba yun.

Context:

I was walking home when I passed by two older men na nag-iinuman. For context, madalas silang tumambay at mag-inuman sa parehong spot na yun. Tuwing dumadaan ako doon, madalas akong pagtinginan ng mga tambay/lasing na nandun. Kaya ko namang palagpasin yung tinginan, pero this time, one of them actually says "Hi," tapos sinundan ng "Hello."

Na-offend ako, so huminto ako at cinall out ko siya. Sabi niya friendly lang daw siya. Sinabi ko na hindi ako interesado at wala naman akong binigay na indication na gusto kong makipag-usap sa kanya. Tapos sinabi niya na respectful lang daw siya at "binata" daw kasi siya.

Like... anong pake ko?

He was sorry, pero by that point nanginginig na ako sa galit. Sinabi ko na ire-report ko siya para malaman niyang mali yung ginawa niya at matuto siyang mamili ng binabastos niya.

Ang problema, wala akong phone nung time na yun. Kaya nagmadali akong umuwi para kunin yung phone ko at tawagan ang barangay.

Noong una akong tumawag, walang nagsasalita sa kabilang linya kaya binaba ko at tumawag ulit. Kinuwento ko yung nangyari, tapos sinabi ng staff na kailangan ko raw pumunta sa barangay para mag-report. Tinanong ko kung pwede bang sila na lang ang pumunta sa area, pero sabi niya hindi at kailangan ko raw mag-report nang personal at makipag-usap sa VAWC.

Humingi rin ako ng contact number ng police, pero sabi niya wala raw silang contact number ng police. Kaya napatanong ako, "Paanong walang contact number ng police ang barangay?" Tapos sinabi niya na may isang staff daw na may number at kailangan niya pa itong hingin doon.

Paulit-ulit din niyang sinasabi na pumunta na lang daw ako sa barangay para mag-report. Later on, sinabi niya na tatawagan niya yung isang staff at sasabihan na pumunta sa area, pero hindi siya sure kung anong oras makakarating.

Bago ko ibaba yung tawag, tinanong ko ulit kung nakuha na ba niya yung contact number ng police. Sabi niya kailangan ko munang ibaba yung call para matawagan niya yung staff. Ilang minuto rin kaming nasa tawag kasi parang ayaw niyang ibaba yung call.

Pagbalik ko sa area, wala na yung mga nag-iinuman. Hindi ko kilala yung mismong nag-"Hi" sa akin, pero pamilyar ako dun sa kainuman niya.

Hanggang ngayon, wala akong natanggap na update mula sa barangay. Walang tumawag at wala ring pumunta sa area.

Now I'm wondering kung nag-overreact lang ba ako. Hindi ako sure kung dapat ko pa ba siyang i-report. At the same time, ayoko rin namang maging uncomfortable tuwing dadaan ako doon at makikita ko yung mga lasinggerong tambay.

Frustrated din ako sa naging response ng barangay. Dapat ko pa bang i-report yung incident at yung naging handling ng barangay staff, o OA pro max lang ba talaga ako?

Previous Attempt: None

reddit.com
u/HowsDWeatherInsideU — 1 month ago

SKL Napagkamalan akong buntis, and instead na magalit, naging pabor pa sa akin.

Nag-aasikaso ako ng papers ng father ko. Pagdating ko doon, kumuha ako ng number sa staff.

The staff asked, "Buntis?"

I was wearing a flowy balloon dress and was caught off guard. Bago pa ako makasagot, inabutan na niya ako ng number.

Lumabas muna ako kasi wala nang available na upuan sa loob. Then there was a guy na kagagaling lang sa loob who pointed out that I was holding a priority number, which I didn't understand at first.

Maya-maya, tinawag ng staff yung mga nakaupo sa priority lane para lumipat and to give it sa mga priority. Tinawag din niya ako para maupo. Next in line na agad ako.

Habang naghihintay, may mga dumadating na gustong kumuha ng number, pero sinabi ng staff na wala ng regular number. Priority numbers na lang daw ang available para sa seniors, pregnant women, at iba pang qualified. Kailangan nilang bumalik another day at mas maaga, like 9 AM.

At that moment, doon lang nag-sink in sa akin.

Talagang akala niya buntis ako kaya priority number ang ibinigay niya. 😭

Which means... hindi pala dapat ako nandun.

My apologies, pero ayoko nang bumalik pa sa next available day, so nag-go na lang ako. 🥲

After everything, dumiretso ako sa restroom to check if I am giving a preggy women vibes.

reddit.com
u/HowsDWeatherInsideU — 1 month ago

Beginner-friendly shoes for long walks 👟

Planning to start doing long walks. Which shoes would you recommend for beginners?

Ito yung nasa choices ko so far:

  1. Anta PG7 — madalas ko makita na recommended for beginners. Ano difference ng Travel, Tour, and Journey? Magkaiba ba sila or same lang?

  2. Xtep 2000KM 3.0 — I just like the colorway 😭

  3. 361° Flame — again, because of the colorway 😂

Might also run eventually. Budget is around 3k–4k. Open for other recommendations din. Thank you! 🙏

reddit.com
u/HowsDWeatherInsideU — 1 month ago

Should I still give a gift or magiging pilit lang?

Problem/goal:

Hindi ako sure kung magbibigay ako ng gift sa mom ng boyfriend ko for Mother’s Day, without it looking pilit, insincere, or parang nakikipag-compete lang ako.

Context:

Hindi kami close ng mom ng boyfriend ko kahit nakapunta na ako sa kanila at naka-attend ng family gatherings. May pagka maldita aura siya and ako naman sobrang mahiyain pro max, so hindi talaga kami nagka-bond. Nahihirapan din ako mag-isip ng gift para sa kanya kasi kaya naman niyang bilhin mga gusto niya, so nakakahiya at feeling ko baka hindi ma-appreciate.

Madalas tinatanong ko boyfriend ko kung anong gusto ng mom niya, pero kadalasan sinasabi niya na siya na bahala or dinidiscourage niya ako. Last Mother’s Day, balak ko sana magpadala ng cake and flowers (went to dangwa pa nga) pero nalaman ko na nasa bakasyon pala siya. Pagkauwi niya, nag-send siya ng message sa boyfriend ko parang nagkukumpara cause she got some gifts from her son's partner.

Ngayon naiisip ko kung magbibigay pa ba ako ng flowers and cash, pero natatakot ako na baka isipin nila na ginagawa ko lang yun dahil nagchat siya or baka isipin nila na parang ayoko magpatalo. Dahil dun, parang nawawalan na ako ng gana magbigay.

Previous attempt: Talk to my boyfriend and he says don’t bother na (again) and nagbibiruan lang sila.

Edited: Context sa cash — before kasi I planned to surprise her by asking someone to get her flowers, cake, and food, but nalaman niya and asked for cash na lang because she wanted to go out and buy something. That’s why I’m thinking of giving cash again.

reddit.com
u/HowsDWeatherInsideU — 2 months ago

Problem/Goal:

My boyfriend’s cousin messaged him asking for help because his child was admitted to the hospital.

Context:

My boyfriend sent me a screenshot of his cousin asking if “pwede makahingi ng tulong” since his baby was admitted. My boyfriend works abroad and sends me money to pay for his bills here in the Philippines and for savings. Now he’s asking me what he should reply, or if I can talk to his cousin for him.

The thing is, marami siyang gastos these past couple of months, and may pinag-iipunan din siya.

Also, nadala na rin si boyfriend magpahiram, especially sa mga kamag-anak, but it’s hard to say no since it’s for a child. He’s also worried his cousin might take it the wrong way and think he’s being selfish. And the cousin used the word “makahingi,” which makes it sound like it might not be paid back.

Also, this cousin usually posts on social media about their travels and spending, so my boyfriend is wondering why he’s the one being asked for help. Well, he's matulungin din kasi.

Previous attempt:

He hasn’t replied yet.

P.S. Atin-atin lang please

reddit.com
u/HowsDWeatherInsideU — 2 months ago