Time will come

Darating ang panahon na maaalala mo ko. Baka hindi dahil sa love. Kundi dahil umikot na ang mundo at nahanap mo na ang katapat mo. Sa panahon na yun di ako darating para isalba kundi para pumalakpak dahil sa wakas nadurog din ang puso at pagkatao mo. Darating ang panahon magkikita tayo ulit na ako naman ang masaya at ikaw naman ang nasa impyerno ang pakiramdam. Mas piniling mong gaguhin ang taong sobrang nagmahal sayo. Sige lang pakasaya ka lang. Makakabawi din ako sayo. Pag dumating yun ipapamukha ko sayo na ako nga pala yung ginago mo.

reddit.com
u/Kants101 — 2 days ago
▲ 1 r/LawPH

Pasok na ba to sa annulment

May friend ako and may gf siya na married pa. Pero yung guy nakapagfile na ng divorce sa amerika. Ibig sabihin ba nun pwede ng irecognize ng PH yung divorce na yun dito sa Pinas para mapadali yung annulment nila?

reddit.com
u/Kants101 — 15 days ago

Dito ko nalang sasabihin

Ganun ba ko kasama para bigla mo nalang ako do kakausapin? Hindi eto ang unang beses. Para lang akong basura na basta mo tinapon. Minahal kita sa paraang alam ko. Halos mabaliw ako ngayon at di ko alam pano magmmove forward. Di ko alam pano babangon. Basta mo nalang ako iniwan. Sobrang mahal kita pero bakit? Iniinom ko nalang ng alak para makatulog nalang ako at makalimutan ang sakit. Di ko alam bakit mo inulit to. Ginawa ko na lahat. Minahal kita ng sobra. Ang sakit lang kasi hanggang ngayon umaasa padin ako.

reddit.com
u/Kants101 — 20 days ago

Paikot ikot parang bote

Paikot ikot tayo parang bote. Di ko akalain na aabot ako sa mapapagod din pala ko. Binigay ko na lahat. Wala kong pagsisisihan. Kala ko kasi pag binigay ko lahat lahat, ginawa ko lahat para mapasaya ka magiging okay tayo. Yung totoong okay. Pero wala din pala. Pero this time di na ko maghahabol. Ayokong umabot sa point na galit nalang nararamdaman ko. Sana lang mahanap mo kung ano man yang hinahanap mo and im sorry this time di na kita masasamahan. Gusto ko nadin ng peace of mind. Bye

reddit.com
u/Kants101 — 24 days ago

Bpi to gcash. Under maintenance ba ulit?

Ngayon ko palang mata-try magtransfer from BPI to Gcash kaso laging failed. May issue na naman ba si BPI? Or under maintenance lang? Thanks sa mga sasagot.

reddit.com
u/Kants101 — 2 months ago

Kwarentahin

Sa mga mid and late 30's na gaya ko, meron ba kayong fear or plans or anong tingin niyo sa pagpasok natin sa kwaretahin era?

reddit.com
u/Kants101 — 3 months ago

Sa wakas naging okay na tayo ulit. Sana tuloy tuloy na to. Grabe napa drive ako mula Caloocan to Baguio at Baguio to Caloocan para lang makita ka ng 30mins 😅. Tingin ko mahal talaga kita. Ay hindi, sure akong mahal kita. Hehe

reddit.com
u/Kants101 — 4 months ago