Robinsons Buddy run 2026

Robinsons Buddy run 2026

Joined the Robinsons Fun Run ulit this year and grabe, ang laki ng improvement compared last year.

Mas organized na yung event, mabilis lang mag-claim ng medal, and hassle-free rin yung pagkuha ng freebies. Sulit talaga kasi nag-enjoy ka na, may freebies ka pa.

Kudos sa lahat ng organizers for making the event smooth and well-organized! 👏 Sana tuloy-tuloy pa ang ganitong quality. See you again next year! 🏃‍♀️💙

“ Buti pa yung anak ni ganeto” Pagod Na Sa Expectations.

Nakakapagod din pala maging anak na laging kino-compare sa ibang tao. Yung tipong kahit anong gawin mo, parang may mas lamang pa rin sayo sa paningin ng magulang mo. Kapag may achievement yung relatives, automatic may comparison na agad. “Buti pa si ganito…” “Yung anak ni ano ganyan na…” na parang hindi nila nakikita na tahimik ka ring lumalaban araw-araw.

Hindi nila alam gaano kahirap mabuhay ngayon. Hindi nila alam yung pressure ng adulting , yung gusto mong ma-achieve lahat ng pangarap nila para sayo pero hindi ganon kadali. Araw-araw iniisip mo, paano aabutin yung expectations nila, paano magiging successful agad kahit unti-unti ka nang napapagod.

Ang sakit lang kasi habang sinusubukan mong buuin sarili mo, parang mas lalo kang nababasag sa bawat comparison. Hindi naman sa wala kang pangarap. Hindi naman sa hindi ka nagsisikap. Sadyang ito lang muna yung kaya mo sa ngayon. Tao ka lang din. Napapagod. Nalilito. Nao-overwhelm.

Minsan gusto mo nalang sabihin na: “ginagawa ko naman lahat. Hindi man mabilis, pero sinusubukan ko. Hindi man kasing galing ng ibang anak, pero lumalaban ako sa paraan na kaya ko.”

Kaso minsan mahirap magsalita kapag pakiramdam mo disappointment ka na agad kapag hindi mo naabot yung standards nila. Kaya tatahimik ka nalang. Ngingiti ka nalang kahit pagod na pagod ka na.

Hindi naman masama mangarap yung mga magulang para sa anak nila. Pero sana minsan makita rin nila na may sariling laban yung anak nila. Sana maintindihan nila na hindi pare-pareho ang timeline ng tao. Hindi porket hindi pa successful ngayon, wala nang mararating.

Nakakapagod maging “strong” lagi. Nakakapagod maging understanding lagi. Lalo na kapag yung gusto mo lang naman talaga marinig ay: “Okay lang. Proud pa rin ako sayo.”

reddit.com
u/Known_Preference_248 — 2 months ago

Iba ang Breakup Pag Pa-30s Ka Na

Breakups when you’re entering your 30s really hit different, no? Hindi na siya katulad ng heartbreak noong early 20s na madaling i-brush off after some time.

Kapag nasa late 20s ka na or pa-30s, iba na yung pain. You’re not just losing a person you’re losing the plans you made together, the routines you got used to, and the version of yourself that was building a future with them.

After going through that kind of heartbreak, you stop looking for love alone. You start craving peace, consistency, and stability.

So yes, breakups hit harder when you’re older, because by then, you already know the kind of love you deserve and the kind you’ll never settle for again.

reddit.com
u/Known_Preference_248 — 2 months ago

Ilang araw akong takot gawin to. Alam kong kailangan na, pero kapit pa rin ako kasi mahal ko pa. Umaasa pa na baka maayos pa, kahit ako na lang yung lumalaban.

Pero dumating ako sa point na pagod na rin ako pagod maghintay, mag-overthink, at umasa sa wala. Hindi na siya healthy, at ramdam ko na nawawala na rin ako sa sarili ko.

So today, I chose to let go. Hindi dahil hindi ko na siya mahal kundi dahil kailangan ko na mahalin yung sarili ko.

Juskooo ang hirap talaga pag na experience mo nanaman yung ganto. Pero atleast may linaw na.

reddit.com
u/Known_Preference_248 — 2 months ago