MCA nilagyan ko ng item yung basket ng asa harap ko at napunch to sa counter

Nagmamadali ako sa grocery kaya pumila ako dun sa may konting items. Yung asa harapan ko pala nakapila habang nag gogrocery.

Magjowa sila na alternate sa basket, habang kumukuha yung isa nag babantay naman yung isa. Hindi na ako makalipat kasi mahaba yung pila sa lahat at walang counter para sa konting items lang.

Nung nagpalit silang dalawa hindi nakatingin yung babae sa basket nila, sa bwisit ko at sa pagiging petty kinuha ko yung cartridge ng pang ahit na nakasabit tapos nilaglag ko sa basket nila.

Tama sana yung cartridge na yun sa pang ahit na gamit nung lalaki kasi worth 700 yun

reddit.com
u/Mountain-Insect9548 — 17 days ago

OA lang ba ako? Yung compliments ng sister ko parang backhanded

May identical twin ako na laging "swerte" yung cocompliment sakin. Kahit obvious na pinag hirapan ko tatawagin nya akong swerte for some reason tapos icocompare nya yung sarili nya.

Lagi nyang sinasabing swerte sakin yung katawan ko kasi payat ako at bagay sakin yung sinusuot ko kesa sa kanya na mataba, eh ako nag gygym at nag eexercise ako sya hindi naman. Isa pa sa degree na swerte daw ako sa mga degree ko kasi nabiyayaan daw ako ng talino sya hindi, sya naman tong nag settle lang sa bachelor's

Identical twins kami with the same resources, kung ano yung kaya ko maachieve most likely kayang kaya din nya, ang weird lang talaga kasi kada may something ako parang inaundercut nya by saying "swerte."

Ayokong isiping naiinggit sya kasi sya yung somewhat loser saming magkakapatid pero iba kasi talaga yung vibes

reddit.com
u/Mountain-Insect9548 — 22 days ago

Naubusan ako ng pasensya

Concerned ang atake nya pero paulit ulit kahit sinagot na. Sya lang naman yung may issue, pilit nyang dinadahilan yung mababa kong eq pero hindi naman ako tanga kahit may disability ako, at mas nakikita ng ibang kabahay namin yung interactions namin ng tatay ko kasi they love chilling with him too

Back story nito dumalaw sakin yung tatay ko, nakita nya yung mga sira sa inuupahan kong bahay at nag volunteer syang sya na yung mag ayos para makatipid, hindi din sya sa mismong bahay natutulog, may transient house sya at pumupunta lang sa bahay pag andun ako

All girls kami sa bahay, wala silang issue dahil may inuuwi din naman silang lalaki paminsan minsan. Itong si ate mong paranoid kada nakikitang inaakap ako ng tatay ko o kinikiss sa noo winarningan ako na sus daw yung tatay ko. Lahat na lang talaga, maski pag subo ng chitchirya sakin, pagkuha ng sinampay ko, pagbukas ng pinto, maski pag bati nya sa ibang kabahay sus daw

Kahapon binilan ako ng gaming console ng tatay ko, sa sala namin(kasama ibang kabahay) nilaro kasi may tv na malaki, sus na naman sa kanya, but this time may dagdag na ginroom ako. Akala nya siguro komo masalimuot yung past nya hindi ko sya pwede patulan

u/Mountain-Insect9548 — 1 month ago

Tita bakit parang kasalanan kong mag isa ka sa buhay?

Walang kaya mag alaga sa matandang dalaga naming tita. Hindi sa walang may gusto, hindi lang talaga afford ng lahat

Proud pa sya nun na independent sya na ayaw mag anak kasi masisira yung kayawan at ayaw mag asawa kasi ayaw matali tapos ngayon hindi na nya kaya yung sarili nya tsaka sya mangbguguilt trip ng pamangkin

Sana hindi lumabas to na pinopoint out kong gawing retirement plan yung anak o mali na hindi mag asawa at mag anak, ang rant ko lang talaga sana sinecure nya yung future nya nung bata sya lalo na at plano pala nya tumanda mag isa. Para syang lesser version ng ginagawang retirement plan yung anak sa galawan nya

Parang kasalanan ko(or namin, mukang copy paste yung chat nya) pa na wala kami sa buhay nya, eh syempre tatanda yung mga bata nun, magkakanya kanya din tulad ng ginawa nya nung kabataan nya. Hindi ako ingrata, tutulong ako kung afford ko pero sa buhay ko ngayon wala talaga akong maibibigay.

u/Mountain-Insect9548 — 2 months ago

Masaya pala tumira sa province namin ha

I live in the part of ph na may mga salt water crocs na nagagawi sa area lalo pag may malakas na ulan. Akala nung pinsan ko na dayo joke lang, ayan nasamplean ngayon.

Normal na samin yung ganito kaya walang ganong reaction yung tao pag may sightings pero nakakatawa talaga pag may hindi tagadito tapos windang na windang. Asa 2nd floor ako ng bahay pero rinig ko yung sigaw nya sa baba.

u/Mountain-Insect9548 — 2 months ago