Mid Life Crisis na di mawalawala
Parang ang hirap ng buhay lately. Na kahit gumawa ka ng tama di ka parin masaya. Bakit kaya yung iba na puro mali sa mata natin ang ginagawa tapos sila pa yung masaya? Parang ang tagal ko nang nagkaka midlife Crisis. Pandemic pa to nag simula hangang ngayon di pa rin mawalawala. Parang sa image OK ka namn pero pagsapit ng gabi gusto mo nalang umiyak ng umiyak sa nang yayari sa buhay ko. Yung ang bilis ng araw pero ang bagal ng Pag asenso. Parang parati ka nalang na sa baba. Feeling mo di ka na makaka ahon parang dyan ka na lang habang buhay. Yung dumadaan ang araw tapos feel mo walang silbi ang nagyayari. Yung Nagkikita kayo ng friends mo tapos instead na pabongahan ng trabaho naging pabongahan ng problema ang nangyayari. Na akala mo OK sila pero miserable din pala. Bakit kaya nanging ganito Tayo? Gusto ko nang balikan ang dating ako. Yung masaya sa simpling bagay ngayon kasi şahit simple or bonga parang wala na. Manhid na siguro ako sa buhay. Sabi nila wag e asa ang kasiyahan sa iba pero tang ina ang hirap maging masaya mag-isa. Kayo ba ano ba ang nagpapasaya sa milenyal na pagod na sa buhay at nahihirapang sumabay?