Losing interest in everything 😢
Hi mommies, normal pa ba ’tong nararamdaman ko? I’m slowly losing interest in everything. Kahit yung mga bagay na dati kong gustong gawin, parang wala na akong gana.
Nakikita ko yung mga kasabayan ko dati sa work na ang layo na ng narating nila, pati mga kapatid ko na unti-unti nang natutupad yung mga dreams and plans nila. Tapos ako, parang feeling ko naiwan ako.
Simula nung nanganak ako (3yrs ago) , parang nasira yung mga plans ko sa buhay. I feel like I’m back to zero. Kahit sa physical na itsura ko, ang layo na rin sa dati. Bukod pa doon, pumangit din yung balat ko. Nalilimitahan yung galaw ko kasi konting kilos lang at pagpapawis, nahahapdi o nangangati na.
Tapos kapag kumikilos naman ako, hindi rin ako tinutulungan ng partner ko. Kaya minsan naiisip ko, ba’t pa ako kikilos dba? Kapag hindi ako kumilos, napipilitan din siyang gumawa eh.
Gusto ko pa ring isipin na darating din yung time ko, na makakabawi rin ako at matutupad ko rin yung mga pangarap ko. Pero minsan, parang natatalo talaga ako ng feelings ko. 🥺