Raspa cost

My OB informed that if in cased na di matanggal lahat ng RPOC thru meds for 3 days, need ko mag undergo through RASPA. How much kaya estimated na babayaran ko if covered ng PhilHealth. 42 months contributions meron ako sa PhilHealth at never ko pa nagamit. Above minimum din po ako.

reddit.com
u/Pink_0005 — 9 days ago

i felt betrayed by my BF

pls admin, wagpo idelete to. This might be wrong sub pero wala ng ibang sub na appropriate sa sitwasyon ko.

Last week i found out na pregnant ako. Hindi pa alam ni bf, Inask ko sha if ever positive, ano gagawin nya so ayun sinabi nya na abort. After that day, sinabi ko sa kanya na positive. Tas naiyak siya tas bigla nyang binawi na nagi guilty siya na ipa abort. Eh ayoko firm ako sa desisyon ko na diko talaga itutuloy. Tas ayun sinabi ko sa kanya na magpa vasectomy na sya kasi ayaw kona maulit na mabuntis ulit ako. Nag away kami kasi ayaw nya. Umiiyak ako kasi ayaw nya magsacrifice. Ayaw nya magpa vasectomy. Ako naman ayaw ko magbirth control.

Sinamahan nyako pagpa TVS kahit dikami nagiimikan after ng away sa chat.

Actually pinag awayan na namin to i think 1 or 2 years ago. Gusto ko makipag hiwalay sa kanya nun. Kaso hindi natutuloy . Siguro inaccept ko nalang yun. Binaba ko yung standard ko. And now problema namin ulit.

Magfo 4 years na kami. Gusto ko ipaglaban parin to pero firm na siya sa desisyon nya. Sinasabihan nyako na hindi nya daw kagustuhan na ipalaglag to. Ako lang daw may gusto. inask nya daw papa nya, eh bakit daw magpapavasectomy eh di naman daw asawa. Eh shempre nagse sex kami kaya nagdedemand ako na dapat magpa vasectomy siya.

Now nagsisi ako kasi ,dapat before sana hiniwalayan ko nalang siya. KASI hindi pako ganun ka attached sa kanya before. Natatakot daw siya sa side effects. Hindi kami compatibe. Galit ako sa sarili ko kasi umabot pa ng ganto bago ko marealize.

I don't have issues sa bf ko pagdating sa ugali.. Walang cheating issues. Hindi naman siya toxic naninigaw sa almost 4 year RS namin. Now i decided na maghiwalay nalang kami pero di din siya nagdadalawang isip.. Kesa magpa vasectomy.

reddit.com
u/Pink_0005 — 1 month ago

4w6D -TVS

Anyone here na pinabalik after 2-3 weeks kasi wala pang nakitang fetus, nagpa tvs ba ulit kayo para macheck? Bumabalik paba kayo? Or niwait nyo nalang na umabot ng between 6-12 weeks para mag MA ?

reddit.com
u/Pink_0005 — 1 month ago

Where to do MA ?

Hello, Hindi ako pede mag MA sa Bahay kasi kasama ko kapatid ko. Diko alam ano magiging effect ng MA sakin , baka magtaka kapatid ko bat ako nagsusuka or namimilipit sa sakit if ever. May nakagawa naba ng MA sa Hotel S*go?

reddit.com
u/Pink_0005 — 1 month ago

Sobrang anxious sa MA

May nakaexperience naba dito na failed MA sa F🎉 ? Nagwoworry ako if failed , baka magkaron ng infection at sa gastos if ever hindi malabas lahat or iraspa 😭.

Also, hindi ako yung taong nagka cramps during mens, nararamdaman ko lang is sakit sa lowerback or mga legs na need i massage. Nagwoworry ako baka diko matolerate sakit ng cramps. , Ni hindi ko alam feeling ng dysmenorrhea.

By the way, low blood pala ako since bata ako. Isa din sa pinagwoworry ko. Im planning palang na magpa tvs this week.

reddit.com
u/Pink_0005 — 1 month ago

Can the Converge branch still assist me ?

Can the Converge branch still assist me even i have an outstanding balance, wala akong outstanding balance bago ako nagrequest mg site transfer.

une 16 - Email converge for site transfer request

* June 17 - Submitted all the requirements. They confirmed that new address is serviceable.

* June 21 - They said that it's already endorsed to the concerned team.

*June 24 - Nagreflect na ang 2500 sa bill ko.

Nasa old address pako this time. Inunplug ko router ko at minove na sa new address, as per technician's request.Dahil papunta na ang tech. Tech visited to my new address. Wala pang 5 minutes sinabi nila na puno na daw ang slot. After that, I received an email that case is resolved.

*June 27- They created new ticket number - for follow-up, because I requested for revisit for second technician.

* June 29 - said that that they're still gathering an updated from assigned department. Already escalated the concern.

*June 30 - received an email that this is already forwarded to the concerned team

Right now, walang update. Everyday ako tumatawag, paulit ulit lang sinasabi. Nakaforward na daw sa concerned team.

Nagreflect na ang 2500 sa bill ko + my next month bill.

Pwede ba akong pumunta mismo sa Converge branch para dun mag-request ng tech visit May magagawa ba ang branch kahit may outstanding balance na ako? Wala naman akong outstanding balance noong nag-request ako ng site transfer. Nagkaroon lang nito dahil sa tagal ng processing, at hindi ko rin naman nagagamit ang internet habang pending ang transfer. Kailangan ko bang bayaran muna ang outstanding balance bago nila ako matulungan?

reddit.com
u/Pink_0005 — 3 months ago

Utang na loob vs ₱16k credit card swipe — ano ang pipiliin niyo?

Problem/Goal: Diko alam if magpapaswipe ba ako or bigyan ko nalang sha extra money para sa utang na loob ko sa kanya

context: , 3 weeks ago bigla ko nashare sa kaworkmate ko na naaprove ako sa BDO. kahit di ako nagpapatagal ng pera dun. 5 months palang ako sa company. Lagi kong trinatransfer ang pera sa bdo after payday. Sila daw never na offeran.

After 2 weeks nung nalaman nila yun , nag reach out si Layla sakin if pede ba makiswipe. Tumanggi ako, no explanation. Ayoko talaga kasi magpaswipe dahil sa nababasa ko online,magpapaswipe sila tas di nababayaran on time. At ayoko na din magpa utang.

Chinika ko yung isang kaworkmate ko na bakit sakin sha magpapaswipe at hindi dun sa bespren nya na kaworkmate ko rin

. Sabi ayaw nya daw sa bespren nya kasi garapal sa pera, hinihingi yung pera kahit dipa na order at kahit dipa on the way. Takot sha baka iscamin lang.

Now, ina ask ko yung kaworkmate ko , (name her Lesley, ) na pano ma approve eh wala naman akong card. Sabi nya, gamit daw mismong app. Binigyan nya ako ng idea tas nasabi ko " na sige payagan ko si crystal, nagsisi ako nung nasabi ko yun after 1 minute .

so chinika ni Lesley ni Layla (yung gusto MAGPASWIPE) na papayagan ko sha, now inapproach ko si Layla, akala ko kasi below 10k lang yung kukunin nya, tas biglang sabing 16k daw yung ref, now nashock ako.

At dahil nag on na naman pagiging people pleaser ko, pumayag ako.

Andun na kami sa pagoorder, kaso need cvv, wala pa akong card kaya di gagana. Kaya di natuloy.

Si Layla hine help nyako mag-call sa bdo. pero wala naman nangyayari, na activate ko sha by huhulaan , hinulaan ko ang mmyy ng expiration mg credit card kasi need yun para ma activate, kaso kulang ng cvv, need i wait yung card. Nalaman ni Layla na activated na credit card ko dahil sa reaction at sinabi ko din. Nakita din nya credit limit ko.

7 hrs pagkatapos ng shift, humiram ako ng pera sa kanya. Walang wala na ako. Diko ine expect na sakto lang pala pera ni bf. So wala akong choice kundi manghiram sa iba. Ine expect ko kasi na mapapahiram ako ni bf this week. Naging irresponsible ako this week nung bday ko, masho short pala ako. Well , I know na dito mangyayari ulit.

Naisip ko si Layla. Sa kanya ako nanghiram. Napahiram naman nya ako ng pera. If di ako nakahiram kay Layla. Di ako makapag onsite sa work at wala akong kakainin for 4 days. estimate.

Nag-advice sha sakin na puntahan konalang daw sa branch, which I did. Binigyan lang ako ng contact number ng taga bdo.

Ngayong araw, inaask nyako if nakapag tawag ba ako sa BDO. tho nakapag tawag ako diko sinabi totoo. Sabi ko , di ako nakakapagtawag. Diko sila nakocontact.

Nagsent ng text si bdo na for delivery na ang card.

Now diko alam yung irereason out kasi for sure mag ask yun sakin pag onsite yung update sa credit card ko.

Kay Layla ako nakahiram ng pera nung araw ng walang wala ako. i felt bad if di ako magpapaswipe sa kanya at the same time natatakot ako na magpa swipe sa kanya kasi gusto nya 6 months eh, eh gusto ko 3 months. I know naman na may capacity sha to pay kasi nag e extra income yun. Takot lang talaga ako 😞 baka di mabayaran on time. I don't know what to do.

I'm thinking na irereason ko sa kanya na nadeliver ang credit card pero ginamit ni BF pambili ng iPhone.

Previous attempts: none

reddit.com
u/Pink_0005 — 4 months ago

Is it worth it na mag avail ng express pass sa EK?

First time lang namin mag e EK. Mahaba parin ba pila kahit Friday, month of June, nagdadalawang isip kasi ako, baka pag punta ko dun, hindi naman mahaba pila?

reddit.com
u/Pink_0005 — 5 months ago

Problem/Goal:

22F , Gusto ko mapacheck up yung boyfriend ko 22,M kasi ilang beses na siyang nawawalan ng malay, naninigas yung kamay, at recently nagsabi siya na sumasakit daw dibdib niya. Natatakot ako na baka may underlying condition pero ayaw niya magpacheck.

Context:

Last July 2025, nag-away kami ng boyfriend ko. Hindi ko na maalala yung exact reason, pero bigla siyang nag-silent treatment, then bigla na lang siyang natumba at parang nawalan ng malay.

Grabe yung iyak ko nun,pinaka matinding iyak sa buong buhay ko. Yung takot na baka mawala siya. Ginising ko siya nang ginising pero hindi siya nagre-respond. Naninigas yung kamay niya at namumutla siya. Kinakausap ko siya pero parang hindi niya ako naririnig. After more than 15 minute na ata yun, , saka lang siya nagkamalay.

After a few weeks, naulit ulit. During away, , tahimik siya at nakayuko, tapos nung chineck ko, naninigas na naman yung kamay niya. This time mas mabilis, around 5 minutes lang.

Simula nun, hindi na naulit, at iniiwasan ko na talaga na umabot kami sa matinding away.

Last Sunday, nagkaroon kami ng misunderstanding. Kasalanan ko rin kasi hindi ko agad sinabi yung problema ko sa kanya. Tinatanong niya ako kung may mali ba sa kanya, pero dine-deny ko. Umiyak siya kasi diko sinasagot mga tanong nya sakin, tapos kinomfort ko naman agad.

Habang kinocomfort ko siya, napansin ko na parang hindi siya nagre-respond ulit. Bigla siyang tumahimik, and doon na ako kinabahan kasi parang bumabalik yung trauma ko.

Naalala ko rin na last week, sinabi niya na minsan sumasakit daw dibdib niya, pero nakalimutan ko yun that time.

Ginawa ko, tinaas ko yung paa at kamay niya habang tinatawag ko siya, kasi sobrang natakot na ako. Nung mag try na kong magcall someone, kasi diko na alam gagawin, gumising sha bigla at kinuha phone ko. Dahil ayaw nya malaman ng mama nya.

Nag-ooverthink na talaga ako. Nung nangyari yung first incident, doon ko narealize na hindi ko pala kayang mawala siya.

I know it might sound cringe to some people, pero more than 3 years na kami, and I can honestly say na satisfied ako sa relationship namin. Green flag naman siya, and kung may issues man, napag-uusapan naman namin nang maayos, last Sunday lang yung hindi.

Ngayon, gusto ko na talaga siyang mapacheck up. Sinabihan ko siya na next meet-up namin, magpatingin na siya, pero ayaw niya. Sinasabi niya na ₱100 lang daw coverage ng HMO nya sa company(hindi ko sure kung possible yun), at wala rin siyang access sa details kasi nasa old email niya.

Ayaw niya rin na mag-overthink ako at mama niya. Sinasabi niya na kung kailangan, uutang na lang daw mama niya para mapacheck siya,pero ayaw niya rin mangyari yun. Natatakot siya na baka bad news daw yung malaman.

Ako naman, ini-explain ko na mas okay na alam namin kung ano talaga yung condition niya kaysa hulaan lang.

Previous Attempts:

Kinausap ko siya at kinonvince na magpacheck up

Sinuggest ko na samahan ko siya next meet-up

Inassure ko siya na mas okay na malaman agad kaysa lumala

May free check-up ba na pwede naming puntahan?

Pano ba ang step by step sa pagcheck up, (wala talaga akong idea since eto ang weakness ko, yung pumupunta ng ospital or clinic)

reddit.com
u/Pink_0005 — 6 months ago
▲ 3 r/grabPinas+1 crossposts

My pinned location address got changed after I ordered in Grab Food: Scam or system error?

Hi! For context, I order my food almost everyday via Grab food. Lagi naman nade-deliver on time and at the same correct address which is our home address.

Just earlier, I ordered again from Chowking (paid via card). This might be my fault but I didn't check the delivery address (I never really check it because it's always pinned to my home address). Tapos while waiting for my order, nagtaka ako kasi tumawag na si rider, eh ang nakalagay palang sa status ng order ko ay "Is being prepared by the restaurant." Normally di ba it will be updated by the rider saying "Your order has been picked up."?

Back to the call, sabi ni rider nung una, nasa pinned location ma daw sya. Kaya lumabas kaagad ako kaso wala sya. Then, gina-guide ko pa sya whatsoever. Nasa kabilang barangay pala sya. 😭

I checked the pinned location, naiba nga. I don't know how but for some reason, naiba sya. All this time na nag -oorder ako (few years na), ngayon lang naiba?

Then I contacted the rider again and he said di nya madedeliver sakin kasi malayo. Sabi ko kung kaya nya ba i-cancel kasi di ko ma-cancel on my end, sabi nya irereport na kang daw nya sa grab. I asked him kung maka-cancel ba yun kasi paid na via card yung food. Pero di na sya sumagot.

Ang nangyari, the order got tagged completed and I got charged pa din. I already contacted Grab pero while waiting, I wanted to ask if this is modus ng rider, system error or ako ba yan? 😭😭😭

u/Pink_0005 — 3 months ago