Oly lifting coach recommendation?

Help please

May kilala kayong AF olympic lifting coach sa QC area? Pwede rin crossfit coach pero focus on clean and jerk and snatch.

Self taught kasi ako and my form sucks

reddit.com
u/Platinum_S — 2 days ago
▲ 8 r/Gulong

PUJ’s turning radius

Talaga bang napakalaki ng turning radius ng mga jeep o sinasadya lang nila kainin ang buong kalye pag nasa u turn slot? Kakainis e

reddit.com
u/Platinum_S — 1 month ago
▲ 44 r/utangPH

Iwasan lumobo ang utang

May mga previous posts na ko about my utang journey and my learnings. Isa sa mga na share ko ay dapat alam natin saan manggagaling ang pambayad.

Dami ko nababasa dito na kwento about people na lubog sa utang. Mga tao na may 500k or more na utang tapos ang sweldo lang ay 30k per month. Papano ka nga aahon sa ganyan?

Bago pa lumobo ang utang, dapat pakatandaan ito:

  1. Read the terms and conditions carefully. Dapat before confirming the utang, dapat alam kung magkano ang interest rate, anong petsa ang bayaran; ano ang mangyayari pag lumampas sa due date

  2. Bago din i confirm ang utang, dapat alam mo saan mangaggaling ang pambayad. Di pwede ang bahala na. Kung uutang ka tapos ang monthly hulog ay 20k tapos ang sahod mo ay 25k per month, aba STOP. D mo mababayaran yan kahit anong pagtitipid pa ang gawin mo. STOP din ang mga ideas na “may inaasahan naman akong padala ni inay yun ang pambayad ko”. Walang sigurado aa mundo lalo na kung hindi mo kontrolado ang outcome

  3. Pota wag umutang para pang hulog sa utang. Natatakot ka ma miss ang due date kaya uutang ka uli. Ang problema dyan ay eto: you need to pay 10k, 2k lang pera mo. So uutang ka sa ola ng 15k para “yung sobra i hulog ko next month”. Ang mangyayari ay bigla mo magagasta yung sobra and so pag bayaran ma nung bago mong utang ala ka na pambayad tapos mataas pa ang interest. Kung ala pang hulog, mabuti pang mag default na habang maaga

  4. Bago umutang isipin mabuti kung kailangan mo ba yung pagkakagastusan. Kaya ka uutang ibig sabihin wala ka pera. Hindi pera ang credit card o ang shopeepay o ang home credit. Wala kayo pinatagong pera kay visa or mastercard. If you want to buy something, pag ipunan nyo

  5. Pag humingi ng pera si inay mo o si misis/mister kasi daw may babayaran sila at ala ka pera, wag umutang para ibigay sa kanila. Sabihin mo wala ka pera sabay suot ng earphone para d madinig ang mga sasabihin

Bottomline, utang is like wildfire. Nagsisimula sa maliit pero pag napabayaan, mabilis lumaki at masusunog ka

reddit.com
u/Platinum_S — 2 months ago

Hirap talaga pag tumatanda

I’m im my forties but id like to think of myself as fit. Just a few days ago i hit 175kg belt-less DL and yesterday I set a new c&j PR at 62.5kg.

No sweat for both and I felt invincible. Great, right?

Kanina i went to the gym this time with the intent of setting a zercher squat pr. Ayun empty bar back squat warmup pa lang nag lock ang likod ko, back spasms. Not that bad pero for sure 1 week na tigil sa gym

Is it hubris? Overtraining? Insufficient warmup? I think it’s all of the above

reddit.com
u/Platinum_S — 2 months ago

I get the impression that some redditors are living vicariously through the app

This is an off my chest, skl, mema, rant and vent post. Please bear with me.

I get the feeling that there are quite a few PH Redditors living vicariously. Yung mga gusto nila gawin dito nila sa app dinadaan.

Examples:

May nag post about having relationship issues - ang sagot nila “iwan mo na yan” without explaining why or sharing if they went through the same and did what they’re advising

May post about issues at home - “bumukod ka na” or “cut them off” mamser if ginawa mo yan, share your experience, tell us how you came to that decision and how it turned out

Post about a parent/sibling/close relative being financially dependent to the OP - “cut them off” while I agree, hindi madali gawin yan and so any advice on how to do that is welcome

And my favorite: may mga utang - “walang nakukulong sa utang” HAHAHAHA what an ungas advice. Yes wala pero pag di ka nag bayad, you will be hounded by collectors. Instead, why don’t you share your experience when you successfully negotiated a payment scheme or ano ginawa nyo nung nakasuhan kayo ng estafa or tinawag kayo sa barangay

Tingin ko yung mga nagbibigay ng hilaw na advice sila yung mga gusto gawin yan pero hindi nila magawa. Hindi ko nilalahat but to those who do this, please bear in mind that you might be putting a faceless redditor at risk. Sana man lang maglagay kayo ng disclaimer or elaborate on your advice.

reddit.com
u/Platinum_S — 3 months ago