fake it til u make it nalang ba?

I noticed na hirap ako sa job interviews lagi dahil maliit tingin ko sa sarili ko at sa kakayahan ko. Aminado naman ako na hindi ako kasing galing ng mga kasabayan ko (fresh grad ako). Tapos kapag binabasa ko yung job description ng mga inaaplyan ko, medyo malayo sa kaya kong maibigay sa kanya. Kaya tuwing naiinvite for a job interview, iniisip ko agad na magsasayang lang ako ng oras dahil hindi rin naman ako makakapasa. Paano ba tigilan yung ganitong mindset at paano nyo ba inimprove yung skills nyo para hindi na rin talaga kayo average lang? Fake it til you make it nalang ba?

reddit.com
u/Reasonable_Push_1584 — 7 days ago

18k offer for fresh grad

Ask ko lang sa mga tumanggap ng offers below 20k, kung wise naman ba yung pagtanggap dito? I have no problems naman sana accepting the 18k offer considering na fresh grad ako with no exp, pero 2+ hours away kasi ako don sa office site and almost P300 balikan ang magiging pamasahe ko araw araw. And then cinompute ko total parang 10-11k nalang matitira sakin. Sa mga naka experience na malayo ang pagtatrabahuhan at medyo malaki ang pamasahe araw araw, bearable naman po ba yung pagod araw araw at nagkakasya naman po ba yung natitira sa sahod nyo momthly?

reddit.com
u/Reasonable_Push_1584 — 7 days ago

questoonnn

paano alisin yung auto translate sa comments😭😭 akala ko nung una ang bobobo mag english ng mga tao, yon pala naka auto translate lang HAHAHHAAH help plsss. yung mismong post naman ay orig language naman nakalagay, comments lang talaga prob. tyiaa

reddit.com
u/Reasonable_Push_1584 — 9 days ago

Forgot to cancel free trial

I subscribed on a 7-day free trial on Adobe Creative Cloud to use Photoshop (Web) on May 9. I forgot to cancel my free trial and just remembered a day later (May 17). How do i cancel my subscription or unlink my GCash account? There are no options to cancel plan on the website. Im only a student so i cant afford the annual but monthly payment nor can i afford the cancellation feeif ever. Fortunately, there is no money on my linked account right now so they havent charged me anything yet, but im worried that they might in the future if I dont cancel this now. Please help me. What can I do in this situation? What is the most effective way here? Is it safe to contact their customer support and is it guaranteed that they will cancel my plan?

reddit.com
u/Reasonable_Push_1584 — 2 months ago

Paano iwasan maging seloso sa mga kaibigan?

Problem/Goal: Napansin ko lang sa sarili ko na medyo may pagka-possessive ako sa mga kaibigan ko, especially yung tinuturing kong mga bestfriend ko. Yung tipong ayaw ko na may iba silang mas ka-close kaysa sakin.

Aware naman ako na toxic ang ganitong mindset at ang ganitong ugali, kaya nga gusto ko malaman kung paano mag cope o kaya maiwasan yung ganitong nararamdaman. Alam ko rin na kaya ako ganito e dahil takot ko na maiwanan ako ng mga mahal ko sa buhay at takot na mapalitan. Siguro dagdag na rin na lumalala trust issues ko dahil ang mga nagiging bagong ka-close ng mga kaibigan ko ay mga kaaway ko noon. Narealize ko na naaapektuhan na ang relationships ko with them dahil nga sa pagiging seloso ko. Nagiging avoidant na ako kaya napapalayo na ko sa kanila.

Previous attempts: Triny ko labanan talaga yung isip ko at triny ko na magconnect pa rin sa kanila pero hirap pa rin talaga ko.

Kayo, paano niyo nagagawang hindi maaattach masyado sa mga kaibigan niyo? Paano niyo nilalabanan yung mga ganitong feelings at thoughts?

P.s. alam kong mukhang ang kailangan ko ay therapy pero di ko afford yon huhu kaya pls kung may advice kayo or same exp, pls share. And pls be kinder w/ ur words po :)

reddit.com
u/Reasonable_Push_1584 — 2 months ago