
Just got my Gotyme bank!
Plano ko talagang magsimulang mag-save, kaya naisipan kong mag-open ng bank account. Pero bilang student, akala ko mahihirapan ako kasi ang daming requirements at iisa pa lang ang valid ID ko.
Buti na lang nagtanong ako sa GoTyme kiosk. Tinry kong mag-open ng account, at nagulat ako kasi less than 5 minutes lang, tapos may card na agad. Ang bilis pala ng proseso.
Ayun, finally may bank account na rin ako. Mas madali na akong makakapagsimula mag-ipon kahit paunti-unti.