Hoka Midnight Run MNL Singlet

Hoka Midnight Run MNL Singlet

Medyo weird pero gandang ganda ako sa singlet na ‘to haha Sorry, pero pwede ba bumili sa organizer ng singlet lang? Would love to join naman the run kaso conflict yung date. May activity kami sa office ng 18 at ‘di ko na kaya tumakbo sa gabi :(

u/TophA29 — 1 day ago
▲ 2 r/FoodPH

Shakey’s Original Bunch of Lunch Take Out/Pick Up (Makati branch)

Guton na gutom na ako kaya kinagatan ko na yung pizza at bread sorry haha Pero ganito ba talaga serving/portion sizes ‘pag take out? Or kahit dine in? Parang ‘tig dalawang pinya + 1-2 ham sa pizza, 2 mojos (wala yang kagat ah haha), 1 chicken, 1 bread at spag Haha

Tapos yung sa Makati branch pa, inagahan ko na punta, mga 10 mins early to pick up my order. ‘Pag dating ko don “wala daw” kaya vinerify pa nung isa sa kasama niya then nandon naman yung order. Ayaw na ba niya :( hahaha

u/TophA29 — 1 day ago
▲ 107 r/makati

Liempo na parang inihaw sa beach?

Saan ba makakakain/makakabili sa Makati ng masarap na liempo, yung parang inihaw sa beach (na may konting sunog??? pero okay lang kahit wala lol) pero gets??? Hahaha

(photo from tastephilippines.com)

u/TophA29 — 9 days ago

Sep Travel: Elyu, Baler, or Boracay?

Main agenda ko lang sana sa Sep birthday ko ay huminga, magkape, kumain ng masarap, at magbasa/people-watch lol Not really to swim or surf pero pwede na din pag na-bore ako haha

Hindi pa kasi ako nakakapunta sa Elyu at Baler, tapos parang safe/familiar choice lang yung Boracay but mga naka 3x na ako doon so last resort talaga.

Not sure if may thread na rin here about this? But gusto ko lang sana huminga, magkape, at magmasid masid. For those na nakapunta na sa 3, ano ba highly reco? hahaha

reddit.com
u/TophA29 — 17 days ago
▲ 407 r/AlasFeels

Kung ito ang kabayaran, hanggang kailan?

Bigla na lang akong naiyak habang naglalakad pauwi. Naabutan ko kasi yung dalawang senior sa area na 'to. Mga more than 5 mins na sila sa harap ko tapos gusto ko talaga sila kunan ng photo kasi "ang sweettt." And recently, may growing soft spot ako sa mga senior kasi minsan ko lang din makita parents ko since malayo sila.

Then umabot kami sa area na 'to tapos ang ganda ng tama ng araw. Eh bigla pang kumanta si Olivia Rodrigo ng "Less" tapos feeling ko targeted sakin yung song kaya ayun...hagulgol si t*ng* haha Nakakahiya kasi naglalakad lang naman ako dito eh biglang tulo ng luha & sipon ko, 'di ko talaga napigilan kaya tumungo na lang ako kesa makita ng mga taong nakakasalubong ko.

How beautiful it is to witness love at their age. Naisip ko din kasi, hindi na ata ako aabot sa age nila na may kahawak ng kamay habang naglalakad. Well, bukod sa hindi naman ako straight (Happy Pride!!!), I've been in many failed relationships, official & unofficial. Mostly, I would say, my fault. Iba’t-ibang reasons. Pero biggest hit saking 'tong last break-up ko. Wala kasing anything "major". Walang third party, walang malaking awayan/sagutan. It was just me. I was difficult. And then my partner? Inintindi niya ako, tiniis niya ugali ko, mood swings ko, sometimes my harsh words, most of the time, my silence.

Hindi ako confrontational, hindi ko rin ma-explain clearly feelings ko. Ang pangit diba. I just know I'm sad, or mad, or both but I can't communicate them clearly. Ang sakin kasi "mawawala rin 'to." And nahihirapan doon yung partner ko kasi sa'n nga naman siya lulugar habang nagmumukmok ako? Nasabi niya 'to sakin. But me? I didn't change. I thought I was changing but hindi pala. May times na nasasabi ko yung feelings ko pero bumabalik pa rin ako sa dati na nagkikimkim o tumatahimik na lang bigla, at nababaliw partner ko don. Then eventually, naubos din siya.

Fast forward to now, almost a year na kaming wala and I'm still trying to fix myself & heal, not just from my last relationship, but also from my past relationships. Nung isang araw, bigla ko naisip "Ba't ba ako ganito sa mga relasyon ko?" And then I thought of my first few rls. My first ever unofficial & official ones. They weren't the best, they're actually the worst. And nadala ko yun sa mga sumunod kong relationships. Yung mga ginawa ng partners ko sakin, nagawa ko din sa mga sumunod kong partners. I thought that's fine. I was also young, dumb, and stupid. I didn't know better back then. Napapasabi na lang talaga ako sa sarili ko ngayon ng "Ang t*ng* naman."

Kaya ayon, feeling ko hanggang ngayon nagbabayad ako sa mga nagawa ko in the past, mostly from my failed relationships. Hindi ko rin kasi ma-tantsa kung hanggang kailan 'to, ‘tong paniningil at pag-aayos sa sarili ko. Right now, I just really want to dig deep into my emotions, learn from my mistakes, and become a better person. And I hope I get there soon.

u/TophA29 — 21 days ago