Ang hirap pero nakaka fulfilling maging nanay
(Sigh) FTM. eto nagtatype kasi tulog na LO ko, maglalaba pa pagkatapos kumain, tutupi ng damit at makakaligo na din. Mahirap pero di ka naman pwde sumuko. May responsibilidad kana eh.
Pagod lang siguro, may paulit2 na routine, kakapagod magpatulog at nakaka drain kasi EBF pa.
Husband is an OFW, kami lang ng ate ko magkasama sa bahay and very thankful kasi andito ate ko di ko alam kung nasa tamang pag iisip ba ako kung ako lang mag isa.
Gusto kong mag unwind, mag dayoff ung tipong dayoff na 24 hrs pero syempre hindi pwde kasi paano na si baby ko na super cute, saka nalang siguro. Dadating din tayo diyan.
Kung umabot ka sa pagbabasa neto, salamat.
Salamat sa oras mo. Ingat ka palagi, bawal magkasakit.
AT SA LAHAT NG NANAY, MABUHAY TAYONG LAHAT!!!