Warn anyone you know, as early as possible
Nagsisisi ako na di ko binigyan ng pansin hairline ko nung early 20s ko. Baka siguro di ko siya iniisip as major problem before. And I was too focused building my career. Kaya napabayaan ko.
Pero ngayong 30 nako, naaapektuhan na rin mental health ko dahil naging passive ako sa physical health issue kong ito.
Kaya kung may kapatid, pinsan, kamag-anak o kaibigan kayong nasa 20s palang or even teenager palang at nahahalata niyo na napapanot na or numinipis na ang buhok, bigyan niyo na sila ng advice kahit di sila humihingi—*na alagaan nila buhok nila nang mas maaga*. One day, they realized and thank you for the advice once they grow old for sure.
I wish I gave my younger self an early advice back then.