Job offer after 1 month of job hunting 🥹

Btw, foreign company siya, Indian-owned. Naculture shock ako sa work culture nila. Delayed na yung project and malaking pera yung nakataya, so sobrang pressure talaga and apparently, normal lang sa kanila yung malalang OT.

Regular holiday? Pinapapasok. Regular pay lang din. No work, no pay.

Okay naman yung offer—binigay nila yung asking salary ko, kaya natuwa talaga ako. Pero hindi ko expected na ganito kabigat yung trabaho.

Mon–Sat dapat. Monday to Friday, 9AM–6 PM, then Saturday, 8AM–4 PM. Pero nung first day ko kahapon, nag-observe lang ako and grabe… umaabot daw sila ng 3 AM sa OT, unpaid, although may meal naman.

Since first day ko pa lang, nag-out ako ng 6:30 PM. 30 minutes OT na nga, pero nakakainis kasi hinanap daw ako and tinanong kung bakit umuwi na ako. Like… hello? 😭 First day ko pa lang, kinakapa ko pa yung process and nag-aaral pa ako ng documents/workflow. Ano bang ine-expect nila, alam ko na agad lahat?

Ngayon, nagdadalawang-isip talaga ako kung tutuloy ba ako or bigyan ko muna ng 1 month para makita kung kakayanin ko.

Parang ang bigat na agad sa pakiramdam kahit second day ko pa lang. 😭

Would you guys stay and give it a chance for a month, or would you take this as a red flag and start looking again? Huhu.

reddit.com
u/_jstnxncl3 — 1 day ago

Hindi lang oras ang ini-invest ng applicants 🥲

Curious lang... ano kaya ang thought process ng ibang HR/Recruitment Team kapag hindi sila nagre-reply kahit sa simpleng follow-up?

Isipin niyo rin sana yung effort ng applicants. Gumigising nang maaga, naghahanda, gumagastos sa pamasahe o gas, nakikipagsiksikan sa commute, naglalaan ng oras para sa interview... tapos pagkatapos nun, ni simpleng update kung pasado, hindi pasado, o on hold—wala.

I know recruiters are busy, but a quick update goes a long way. Respect should go both ways. 🙂

reddit.com
u/_jstnxncl3 — 30 days ago

Hindi lang oras ini-invest ng applicants 🥲

Curious lang... ano kaya ang thought process ng ibang HR/Recruitment Team kapag hindi sila nagre-reply kahit sa simpleng follow-up?

Isipin niyo rin sana yung effort ng applicants. Gumigising nang maaga, naghahanda, gumagastos sa pamasahe o gas, nakikipagsiksikan sa commute, naglalaan ng oras para sa interview... tapos pagkatapos nun, ni simpleng update kung pasado, hindi pasado, o on hold—wala.

I know recruiters are busy, but a quick update goes a long way. Respect should go both ways. 🙂

reddit.com
u/_jstnxncl3 — 30 days ago

Umabot ako sa puntong mas natatakot na akong pumasok kaysa mawalan ng trabaho 🥲

Hindi ko alam kung gusto ko lang ba talagang maglabas ng sama ng loob o naghahanap lang ako ng mga taong makakaintindi.

Bago ang lahat, gusto ko lang sabihin na alam kong hindi ideal ang mag-resign nang wala pang kapalit. Paulit-ulit ko na ring sinabi 'yan sa sarili ko. Hindi ito desisyon na ginawa ko nang isang gabi lang o dahil sa isang bad day sa office.

Matagal ko itong pinag-isipan.

Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na, "Konti pa. Tiis lang muna. Baka maging okay din."

Pero habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na hindi na ako okay.

Halos 10 years na akong Document Controller. Alam kong sa kahit anong trabaho, may adjustments, may bagong responsibilities, at may learning curve. Hindi naman ako yung tipong "hindi ko trabaho 'yan." Open naman ako matuto.

Ang problema, hindi na siya simpleng adjustment.

Nilagay ako sa role na hindi aligned sa experience at expertise ko. Tapos habang tumatagal, parang unti-unti nang nadadagdagan ang responsibilities hanggang sa pakiramdam ko, trabaho na ng dalawa o tatlong tao ang ginagawa ko. Ramdam na ramdam ko ring sobrang tipid sila sa manpower kaya kung sino ang available, siya na lang ang sasalo ng lahat.

Hindi ko na ma-enjoy ang trabaho.

Hindi na ako excited pumasok.

Hindi na ako motivated.

Gigising pa lang ako sa umaga, pagod na agad ang pakiramdam ko. Habang bumibiyahe, iniisip ko na agad kung ano na namang haharapin ko. Pagdating sa office, countdown na agad sa oras ng uwian.

At doon ko na-realize na hindi na pala normal 'to.

Hindi na ito simpleng "ayaw kong magtrabaho."

Hindi na ako masaya.

Masakit aminin, pero pumapasok na lang ako dahil kailangan. Hindi dahil gusto ko pa.

Kaya dumating ako sa desisyong mag-file ng resignation.

Hindi dahil may malaking offer na naghihintay.

Hindi dahil mayaman ako at kaya kong mawalan ng sweldo.

At lalong hindi dahil hindi ko alam ang consequences.

Alam na alam ko ang risk.

Sa totoo lang, iyon nga ang dahilan kung bakit ilang linggo o buwan ko ring ipinagpaliban ang desisyong ito. Kasi natatakot din akong mabakante. Natatakot akong mawalan ng income. Natatakot akong magsimula ulit.

Hanggang ngayon, wala pa rin akong bagong trabaho.

Araw-araw akong nag-aapply. Halos lahat ng openings na pasok sa experience ko, pinapasa ko ang resume ko. Pero ang realidad ng job market ngayon, karamihan ng nakikita kong offer nasa ₱18k–₱20k. Hindi ko minamaliit ang salary na iyon, pero pagkatapos ng halos isang dekada sa profession ko, alam kong napakalaking step backwards iyon.

Kaya ngayon, sobrang conflicted ako.

Malapit na ang effectivity ng resignation ko, pero napapaisip ako kung itutuloy ko pa ba o hindi.

Kung itutuloy ko, wala pa akong kasiguraduhan.

Kung hindi ko itutuloy, babalik ako sa trabahong araw-araw kong pinipilit ang sarili kong pasukin.

Pakiramdam ko kasi kahit anong piliin ko, may mawawala.

Isa pa sa mabigat sa akin, gusto ko sanang sabihin lahat ng ito sa partner ko. Siya ang unang taong gusto kong kausapin kapag nahihirapan ako. Pero alam kong marami rin siyang dinadala ngayon, lalo na pagdating sa finances. Ayokong maging isa pang problema na kailangan niyang buhatin, kaya mas pinili ko munang sarilinin.

Siguro ang hinahanap ko lang dito ay mga taong dumaan na rin sa ganitong sitwasyon.

Yung umabot sa puntong alam nilang delikadong umalis nang wala pang kapalit, pero alam din nilang hindi na nila kayang pilitin ang sarili nilang pumasok araw-araw.

Ano ang ginawa ninyo?

Tinuloy ninyo ba ang resignation ninyo? O pinili ninyong manatili muna kahit unti-unti na kayong nauubos?

Gusto ko lang marinig ang experience ng mga taong naka-survive sa ganitong phase ng buhay. Pakiramdam ko kasi sobrang nag-iisa ako ngayon.

reddit.com
u/_jstnxncl3 — 2 months ago

OA lang ba ako? Nag-effort ako magluto ng tocino, free KFC pala panalo 🤷🏻

Live-in kami (both girls, 31 siya 29 ako)

Kagabi mga 10PM, nagluto ako ng ulam namin para sa lunch today. wala kaming plan talaga for lunch kaya tinanong ko siya kung ano gusto niya, sabi niya tocino.

May tocino kami sa ref pero ang problem, wala na kaming gasul. So imbes na magpahinga na lang ako, pumunta pa ako sa bahay ng parents ko (malapit lang naman) para lang makapagluto. pagod na ako pero ok lang kasi gusto ko ready yung food niya for today.

Ako usually nagpprep ng meals namin so normal na sakin yung ganun.

Kanina nalaman ko may event pala sila sa work at may free lunch (KFC). So yun kinain niya instead nung niluto ko.

Gets ko naman na free food yun and syempre convenient, so di ko naman siya masisisi. pero idk, medyo na-disappoint lang ako. Parang ang sakit lang nung effort mo, late night pa, tapos hindi pala mapupunta dun.

Baka OA lang ako? 😅

reddit.com
u/_jstnxncl3 — 2 months ago

Our first Tagaytay trip became memorable for all the wrong reasons because I woke my girlfriend up at 7AM 😅

Gusto ko lang ilabas to kasi hanggang ngayon naiisip ko pa rin.

First Tagaytay trip namin ng girlfriend ko nung June 12. Akala ko magiging memorable siya dahil sa magandang experience, pagkain, at quality time. Ang ending, naging memorable dahil nag-away kami tungkol sa 7 AM na gisingan.

The night before, sinundo ko siya sa work niya sa Pasay. Galing pa akong Alabang. Habang pauwi kami, napag-usapan na namin yung plano kinabukasan. Sa totoo lang, siya pa nga nagsabi na kung maaga kami aalis, dapat maaga rin matulog.

Pagdating sa bahay, napag-usapan ulit namin. Tinanong niya kung anong oras kami aalis. Sabi ko, 7 AM. Nagulat pa nga siya at sabi, "Seryoso?" Kaya alam kong malinaw na nasabi ko yung oras. Wala man akong exact itinerary noon, pero yung departure time malinaw na malinaw.

Kinabukasan, nagising na ako ng 6:30 para maligo at mag-ayos. Ginising ko siya ng 7 AM, gaya ng napag-usapan namin.

Ang problema, bumangon siya mga 8 AM na, tapos nakaalis kami halos 9:30 na.

Honestly, hindi naman yung pagka-late ang pinakanakainis para sa akin. Ang nakapag-trigger sa akin, pagdating namin sa Tagaytay, ramdam kong wala siya sa mood. Kaya tinanong ko kung bakit.

Sabi niya, naiinis daw siya kasi masyado ko siyang maagang ginising.

Doon talaga ako napaisip.

Ha?

Hindi ba napag-usapan natin yan kagabi? Hindi ba ikaw pa nga yung nagtatanong kung anong oras tayo aalis? Kung ayaw mo ng 7 AM, bakit hindi mo sinabi nung ginigising kita? Pwede namang sabihin na "9 AM na lang tayo umalis."

Pero hindi eh.

Tapos habang nagtatalo kami, nasabi pa niya yung linyang:

"Ikaw lang naman may gusto nito."

Doon talaga ako nainis.

Like, what do you mean ako lang may gusto nito? Hindi ko naman pinilit yung trip. Napag-usapan natin to. Sumang-ayon ka. Excited ka rin naman. Tapos nung nagkaroon ng issue, parang naging solo project ko bigla?

Ang masama pa, hindi rin ito first time na nangyari. Madalas kapag may lakad kami, late kami dahil sa parehong dahilan. Siguro napuno lang talaga ako this time.

Nakakatawa nga isipin eh. Sa dami ng pwedeng maging memorable sa first Tagaytay trip namin—yung views, pagkain, road trip, pasyal—ang pinaka-naalala ko tuloy ay yung away namin tungkol sa 7 AM na gisingan.

Ewan ko ba. Mali ba akong mainis? 😅

reddit.com
u/_jstnxncl3 — 2 months ago

from zapote bacoor to arnaiz pasay, libertad

pa-help paano commute papunta dyan? ano pinaka dabes na byahe na hindi na magtatatlong sakay? huhu

reddit.com
u/_jstnxncl3 — 3 months ago

Looking for EA/Admin Work — Breadwinner Mom, Can Start ASAP

I’m 29 years old, bi, and currently living with my girlfriend (31). Last November 2025, nawalan siya ng work. Mahirap yung naging situation dahil breadwinner siya and may 4-year-old son pa. As her partner, ginawa ko lahat para matulungan siya makahanap agad ng bagong work — apply dito, apply doon, Indeed, JobStreet, LinkedIn, lahat na halos.

Thankfully, nakahanap siya ng work nitong January 2026 as an Executive Assistant. Kahit hindi kalakihan ang salary, malaking tulong pa rin para makabawi sa bills at expenses. Kaso sadly, na-end of contract siya and her last day will be on June 5.

Ngayon, back to job hunting ulit kami. May mga interviews naman, pero karamihan ng offers nasa 17k–20k range lang, and honestly sobrang hirap na i-budget nun sa panahon ngayon lalo na may bata.

Baka may hiring po sa inyo for:

• Executive Assistant

• Secretary

• Administrative Assistant

• Office/Admin Support

She’s willing to start immediately. Much better sana if may WFH or hybrid setup.

Thank you so much sa kahit anong help, referral, or leads. 🙏

reddit.com
u/_jstnxncl3 — 3 months ago

Hi. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob at baka may makapagbigay din ng perspective.

I’m 29F, and my girlfriend is 31F. Last week nagkatampuhan kami, tapos kagabi naulit na naman—same issue. Nakakainis kasi paulit-ulit na lang.

Aminado ako na makulit ako minsan. Pero para sa’kin, way ko yun ng paglalambing. Siguro rin kaya ako nagiging ganun dahil sa kanya. Pakiramdam ko kasi pagdating sa akin, ang ikli ng pasensya niya. Parang ang hina ng tolerance niya sa’kin, tapos minsan iritable pa sumagot.

Dahil dun, napapadalas ako magtanong kung may problema ba, kung may nagawa ba akong mali. Kasi ramdam ko na may iba sa kilos niya kahit sinasabi niyang “okay lang.” Nakakalito kasi yung sinasabi niya hindi tugma sa actions niya.

Tapos sasabihin niya, “Kailangan ko bang sabihin na hindi ako okay para lang malaman mong hindi talaga?” Parang ang gulo? Kaya nga ako nagtatanong kasi hindi ko maramdaman na okay siya.

Nakakapagod na rin kasi pakiramdam ko ako lagi yung nag-aadjust. Ako yung nag-iintindi, ako yung nagre-reach out. Mahal ko siya, pero hindi ko na alam kung kaya ko pa ba kung ganito palagi.

Ako ba yung mali? Masyado ba akong makulit o may mali na sa dynamics namin?

reddit.com
u/_jstnxncl3 — 4 months ago