Pwede na ba bumili and activate ng Taiwan eSIM from Klook ngayon kahit November pa yung travel?
Hi guys! Magtatanong lang sana sa mga naka experience na bumili ng eSIM from Klook.
I’ll be travelling to Taiwan this coming November and nakita ko na may Taiwan eSIM sa Klook.
Since may voucher ako ngayon, I’m thinking of buying it already.
I did some research about this pero I can’t seem to find a definite answer. 😅
Question lang, okay lang ba na bilhin and i activate ko na yung eSIM ngayon kahit November pa yung flight ko? Or may expiration/activation period ba na kailangan bantayan?
I’ve read na for some eSIMs, mag start lang yung validity once mag connect ka na sa network sa Taiwan. Pero hindi ako sure kung applicable siya sa Klook Taiwan eSIM or if kailangan gamitin within a certain number of days after purchase or activation.
Sa mga nakapag try na bumili ng Klook Taiwan eSIM months before their trip, okay pa rin ba siya nung nasa Taiwan na kayo?
Ayoko lang bumili ngayon dahil sa promo tapos pagdating ng November hindi na pala usable. 😂
Thanks in advance sa mga makakapag share ng experience!