
TIL Sa Massachusetts Institute of Technology (MIT), di ka papayagang gumraduate kung di ka pumasa sa isang swimming test
Akala ko joke lang ito nung una kong na-encounter, pero apparently nasa website mismo nila: para maging considered na na-complete mo ang kurso mo sa Massachusetts Institute of Technology (MIT), kailangan marunong kang lumangoy. As in, palalanguyin ka sa swimming pool (for 100 yards) and kailangan ma-meet mo yung standards nila. This is regardless of whether or not may PE class ka na swimming or wala.
Yung reason daw nito ay related sa World War II. May nakapansin daw noon na ang daming namatay sa gyera hindi dahil sa combat, kundi dahil hindi pala sila marunong lumangoy. So someone in the US government asked a number of universities (especially Ivy League universities like Harvard) na magturo ng swimming sa mga students nila and i-require sila na patunayang marunong talaga silang lumangoy. Ginawa itong hard requirement ng mga schools before graduation para masigurong well-equipped ang mga estudyante nila na maka-survive sa outside world. Including in the unlikely scenario that they end up on a sinking boat.
Eventually, dinrop ng ibang universities ang swimming requirement pero hindi ito inalis ng MIT dahil naniniwala silang essential skill ito na dapat matutunan ng lahat. Besides MIT, Cornell, Dartmouth and Columbia universities yung iba pang schools na may ganito ring requirement.
Now...imagine kung may ganito ring klase ng swimming education sa Pilipinas, lalo na't marami sa atin ay nakatira malapit sa isang body of water... 😅