

Discussion: Clearing mountains for solar farms in Zambales — Are we sacrificing the environment for green energy?
Nag-iisip lang ako tungkol sa irony ng pagtatayo ng mga solar farms dito sa bansa. Sa Zambales, naiulat na kailangan munang kalbohin ang ilang kabundukan para mapag-installan ng mga solar panels.
Bagamat kailangan natin ng renewable energy at mas maraming kuryente, hindi kaya masisira naman ang ecosystem sa proseso? Para sa inyo, sino ba talaga ang mas nananalo sa sitwasyong ito—ang kalikasan o ang ating pangangailangan sa kuryente?