Anyone else still waiting for their Japan visa from VFS Makati?
I feel down. Until now, wala pa ring changes sa status ng Japan visa application namin ng asawa ko. June 9 yung appointment ko sa VFS Makati. Still "Under process to the Embassy of Japan in Pasay" pa rin. Pang 14 working days na ngayon. Sa July 8 na yung flight namin.
Nag-follow up email na ako last Friday sa VFS, at sabi naman nila wala namang additional documents needed from us. Iba-iba lang daw talaga ang processing timeline per application. Ang standard daw is 6 working days, pero currently nasa 2–3 weeks daw ang processing. Pero marami naman akong nakikita na 6–7 days lang, nakuha na nila. 😞
May naka-experience na sa inyo ng ganito katagal bago na-release ang passport?