


pls help
Hello! May alam po ba kayong home remedy para sa kuting na parang biglang naging paralyzed? Napulot ko lang siya nung nakaraang araw galing sa kalsada at umiiyak, maayos naman siya non. Ngayong gabi pag-uwi ko biglang hindi na siya nakakagalaw, parang naging paralyzed siya tapos umiiyak? Hindi ko alam kung anong nangyari. Parang nagsimula siya manghinga nung isang araw pero nakakatakbo takbo pa siya. Ngayon yung mata niya nakamulat, humihinga siya pero parang blangko yung mata at nakatingin lang ng diretso. Maayos naman yung kain niya nung nandito siya sa bahay, since ayaw niya ng milk replacer kaya wet food ang pinapakain ko. Can you please help? Hindi ko siya madala sa vet kasi wala akong extra. Please advice. Salamat!
Sana may pumansin.