Image 1 — Wedding Rings
Image 2 — Wedding Rings

Wedding Rings

thoughts on this wedding ring? we bought it pair for 37k. swiss diamond daw ‘yung sa upper ring kaya mej pricey pero walang certificate. also, wala kasi ako makitang any reviews online regarding L.A.M Jewelry Store.

anyone who bought their wedding ring here? mej inooverthink ko na ngayon reading some scam reviews in ongpin rings lol 🥲 tho ipapa check din namin agad bukas.

thank you in advance!

u/heyitsmeagaaain — 11 days ago

ALY Clo — clothing brand on Tiktok

hii guys, I recently started my own clothing brand. hope you can have a time to take a look on my pieces :)) ayun lang hehe thank yoouu

reddit.com
u/heyitsmeagaaain — 2 months ago

uninvited guest

gigil na gigil ako.

namanhikan fiance (M) ko (F) kanina. since separated parents ko, ginawa namin s’ya sa isang restaurant, so limited lang ang guests.

late na nagsimula kakahintay sa ibang family, etong tatay ko umalis pa at sinundo kapatid n’yang reason bakit naghiwalay parents ko kaka chismis ng tita kong ‘yun.

grabe gigil at inis ko kanina in the first place hindi naman talaga s’ya invited at all dahil s’ya nga ang dahilan bakit kami nasira.

eto pa nakakainis, nagsabi nanay ko na chinichismis daw s’ya ngayon na ‘yung isang ka churchmate naman ang nilalandi ng nanay ko na may asawa na.

GRABE ANG LALA SOBRA 😭😭 buti na lang talaga na emphasize namin kanina na strictly no plus one since sa transpo papuntang venue palang haharangin na ang wala sa guest list lol (malayo rin kasi).

good thing, strict din ‘yung nakuha naming venue when it comes to guest list na papasok since private place s’ya

reddit.com
u/heyitsmeagaaain — 3 months ago

pamamanhikan

dito palang stress na ako.

originally, ayoko neto. however, may issue sa side ko kaya sabi ko ipush na n’ya para malaman nila na pinaghahandaan na namin ‘yung wedding along with the expenses. sabi ko gawin na before kami mag travel para mapagpaalam din na kasama ako sa travel ng family n’ya.

initially, the plan is immediate family lang talaga sa bahay. however, ‘yung papa n’ya gusto magsama ng mga tito tita sa hindi ko alam anong dahilan kung bakit, eh masikip na nga bahay namin.

separated parents ko, hanggang ngayon ‘yung lola ko sa side ng nanay ko may galit pa rin sa tatay ko. sabi ko kasi kung ganon magpasama na lang nanay ko sa tita ko and lola ko, inv na rin ako tito tita sa side ko ganon.

kaso nga lang, since magulo side ko, parang imposible pala na ma kompleto kami sa bahay. ‘yung kuya ko rin kasi may issue sa tatay ko. nanay ko may issue na tampo sa’kin. ayoko namang biglang maging open forum ‘yung mangyayare. gusto ko iwasan ‘yan baka kasi ma dehado and mapahiya pa ako sa harap ng ibang tao.

nakakita ako ng modern pamamanhikan na sa labas ginaganap and kasama entourage. sabi ko magganto na lang lang kami. in this way, posible pa na ma kompleto kami, hindi awkward sa’kin. sure rin ako na makakapag share ako carefree since andun entourage which are my friends and maiiwasan drama kasi outside house.

UMAGREE SI G2B SA USAPAN

nagpaalam na ko sa side ko and nagsabi ng details na sa labas lang.

kaso nag insist s’ya na ayaw daw ng papa n’ya sa labas kasi supposedly ang pamamanhikan ay sa bahay :)) ngayon hindi na s’ya makapag decide at hindi n’ya ‘to ma address sa kanila HANGGANG NGAYON.

may 3 days na lang bago namin nasabi ‘yung date tapos wala pa rin final plan.

sabi ko bakit hindi ba pwedeng kami ‘yung mag decide since kasal naman namin ‘to? nakakainis lang na hindi n’ya kayang panindigan ‘yung desisyon na ginawa namin sa harap ng parents n’ya.

umay nakakatamad talaga hahahaha

reddit.com
u/heyitsmeagaaain — 3 months ago
▲ 712 r/fashionph

safari outfit

we have an upcoming safari trip to bkk. which one you think is the best outfit?

u/heyitsmeagaaain — 4 months ago

OA lang ba ako for feeling being excluded?

before, ‘yung fam ng partner ko kapag lalabas sila lagi ako invited. tapos simula nung kinasal kuya n’ya, hindi na ako invited lagi. as in sila sila na lang lumalabas.

mind you, engage na kami ng partner ko.

for context, graveyard shift ako. netong nakaraan lang, maaga akong nasa kanila, may ginagawa kami sa business. ‘yung mga kapatid n’ya nagffollow up na sa kanya na aalis na sila, ‘yung isa nag missed call pa sa mess. tapos sabi pa ng mama n’ya bago kami umalis, “may lakad pa ata kayo, sige na.” hinintay pa talaga akong makaalis bago silang umalis lahat?? haha

mej nakaka insulto lang. knowing my background na galing from a broken family. tapos nagpaalam na naman partner ko na kakain sila sa isang restau na gustong gusto kong kainan nung nakaraan pa since grad ng kapatid n’ya. syempre hindi na ako aasang ma invite.

alam ko iba oras ko sa kanila. pero, it’s the thought that matters. I always feel excluded kasi I never did this to him sa side ko.

kapag kasama naman ako, madalas pa makikita ko ipagbabayad ako ng partner ko sa kainan kasi bukod na bayad pala ako hahahaha

oa lang ba ako o valid nararamdaman ko? disappointing lang kasi from laging kasama to hindi na sinasama tapos lalo na ngayong engage kami.

edit: naiinis na ko sa partner ko kasi proud pa s’yang magpaalam at mag update w pic pa ‘yan kapag nasa labas sila haha likee okay family mo ‘yan wh sino ba naman ako sa buhay n’yo lol

reddit.com
u/heyitsmeagaaain — 4 months ago

ayoko na magpakasal

walang araw na ata na hindi ko (B2B) naisip if itutuloy ba ang wedding kasi sayang naman mga na book na major suppliers, or cancel at all na lang talaga. sobrang stress ko lately.

sabi ko pa naman nung nag start kami mag plan last year, ayoko ma stress kaya pinush ko mag book ng major suppliers kahit maubusan ako savings. pinush ko mag plan as early as possible which is ilalatag na lang talaga kahit a year pa wedding namin. pero hindi ko akalain na ma stress pa rin ako kahit inadvance ko na lahat.

madalas ko na rin naiisip, hindi naman ako ‘yung may gusto neto. pero bakit ako ‘yung nappressure at nammroblema? hindi ako ‘yung nag propose at nag aya magpakasal. pero bakit nasa akin lahat ng burden? siguro kasi ako ‘yung madalas mag lead, initiate and ‘yung may mas malaking contri? in fact, umpisa palang sinasabi ko na civil na lang muna kami knowing our current financial situation since I really wanna move out na rin kasi magulo nga rin sa bahay. pero he really insists this wedding since ganon din naman daw and once in a lifetime lang.

ang tagal ko na gusto mag settle sa buhay pero feeling ko hindi n’ya ako kaya panindigan. I was kinda sad and disappointed din tho ayoko talaga ng pamamanhikan and s’ya ‘yung nagppush neto, na move na lang ng na move kase wala raw s’ya budget (pangkain).

yes, ako ‘yung nag post before abt sa inuna pa family travel n’ya kesa mag ipon for our wedding expenses. binura ko lang kasi natakot ako baka may mag share sa socmed (PLS DO NOT SHARE THIS AS WELL)

pa vent out lang kasi kapag kakausapin ko s’ya agree lang naman s’ya ng agree and sorry lang ng sorry 😅 since inopen ko nga ‘to sa kan’ya, alam din n’ya na gusto ko ng dji pocket 4. go lang daw para sa upcoming travel namin w his family na para bang hindi kami nag usap tungkol sa budget lately?? 😅

siguro kung wala naman gan’tong wedding sa buhay ko masaya pa ko ngayon 🥲

reddit.com
u/heyitsmeagaaain — 5 months ago

Tiktok Affiliate Tips please help me

how many videos do you post in a day and what time do you usually post? what are also some things na dapat iwasan? please helpppp I’ve been posting 2-3 vids since Feb pero walang nangyayare huhu

reddit.com
u/heyitsmeagaaain — 5 months ago

clothing business

anong mabentang women top ngayon? planning to start a clothing business with minimalist top muna sana. okay kaya?

u/heyitsmeagaaain — 5 months ago

inunfriend ako ng nanay ko multiple times

Problem/Goal: hindi na maayos relationship namin ng nanay ko since last year, at hindi ko ma gets bakit biglang ganon?

Context: nagsimula ‘to nung nag propose partner ko sa’kin last year. don’t get me wrong, ofc nagpaalam partner ko sa parents ko and all goods naman. so I thought happy s’ya. I sent her a photo of the ring and guess what? the only response I got is the set emoji in our messenger. buti na nga lang hindi pa naka like ‘yun. I was waiting for her congratulatory message but I receive nothing, until now actually :))

nung pag uwi namin ng partner ko overseas, tnreat ko pa sila sa labas, okay naman.

inunfriend n’ya ako before mag year end without knowing why.

until netong feb nag travel ulit kami ng jowa ko. sinabihan ko lang s’ya na tulungan kapatid ko mag apply dun sa pang working student na work sa munisipyo for extra allowance since kaming dalawa ng kuya ko ang nagpapa aral and mag shs na rin s’ya, which is may tuition fee na. her response was, nalulungkot daw s’ya kasi kami naman before hindi raw pinagttrabaho para makapag aral. sabi ko eh kung may trabaho lang ba silang dalawa ng tatay ko eh hindi na need ng ganon and scholarship ng kapatid ko. her response? grabe raw ugali ko at tatandaan n’ya raw etong sinabi ko hanggang sa pagtanda n’ya. then nag note ng, “wag kasing gawing obligado ang responsibilidad” at “wala talaga sa taas ng pinag aralan ang ugali”

????? mind you. both of my parents are ABLE. tho, tatay ko pa senior citizen na next year and kaka retire lang din n’ya as ofw. tatay ko ang nagpa aral sa’min, I don’t think she has the right to speak something abt my education plus hindi naman related work ko ngayon sa education ko 😃😃

as expected, unfriended ulit.

after a few days, birthday ko. hindi ko alam nag set pala ng surprise sa private resort partner ko. tapos pinag message nanay ko sinabi pa talaga sa harap ng maraming tao ‘yung issue namin like for what?? at nagbago na raw ugali ko sobra 😭😭

so hindi pa rin n’ya ako inadd n’yan hahahah after a few days, inadd n’ya ako saktong nasa travel ulit kami 🤪

nag message s’ya nangungulit if magpapakain daw ba ako sa birthday ng kapatid ko kahit na alam na masasagasaan birthday ng kapatid ko sa travel date namin.

as expected, after n’yan. unfriended na ulit 🥰 siguro kasi wala na s’yang makita ulit sa’kin. ni restrict ko na since ang daming issue kapag nakikita akong masaya eh 😅

then after a month. nag swimming kami kasi birthday ng dog ko. kasama partner ko, dalawang pinsan then kapatid ko and manliligaw daw n’ya. lahat sila hiningan ko ambag kahit small amount lang like 200 pesos pandagdag lang sa cottage.

you know what? nag message s’ya sa partner ko pa. na huwag ko na raw s’yang tawaging nanay tutal ayun naman daw pinaparamdam ko sa kanya. at bakit ko raw hihingan pa ng ambag kapatid ko eh wala naman daw syang work? hindi n’ya alam eh nageextra kapatid ko sa business namin so para matuto naman kapatid ko na hindi sa lahat ng oras libre lahat ng bagay eh. huwag ko na raw s’yang tawaging nanay hanggang kamatayan n’ya. afaik, friend pa kami neto sa fb.

grabe ang lala ng long last message na ‘yun na pinadaan pa sa partner ko. nung nakaraan nag message s’ya, worried daw s’ya kase mahal ‘yung school hahahahahha saka mag aalala tapos ayaw naman tulungan or suportahan kapatid ko sa work sa munisipyo lol then may kakilala kaming patay. pinatanong pa talaga sa kapatid ko if magbibigay ako eh lol

ps: every travel namin ng partner ko ha, nilalabas namin silang dalawa para walang masabi na puro kami labg iniintindi ko. and oo, hindi ako nagbibigay sa kanya financially, sinabihan ko na s’ya regarding this naman even before since hindi ko naman talaga kaya mag support ng sabay sabay sa bahay, sa kapatid ko tapos s’ya na pwede naman mag work talaga.

additional context: separated sila ng tatay kong cheater since 2018 and I guess hanggang ngayon dala dala pa rin n’ya ‘yung trauma and hurt which is understood naman. affected din naman akong anak sa nangyare, but I AM TRYING REALLY MY BEST to overcome these shts na tapos gagantuhin naman ako ng sarili kong nanay. dami ko na rin naririnig sa iba tungkol sa sinasabi n’ya sakin.

Previous Attempts: none. nag back read ako phone number n’ya sa mess and nakita ko as expected, unfriended na naman ako hahahah at this point, gusto ko na makipag cut off sa kanilang lahat except sa bunso namin na need ng ate atm

reddit.com
u/heyitsmeagaaain — 5 months ago