Patawarin sana ako ng anak ko.
Idk where to start. Sobrang bigat. Sobrang durog na durog. Past few months, sobrang labo na namin ng baby daddy ko. Until this last week of April nagkagulo because of sustento na di niya mabigay pero kayang maglaan para sa mga barkada. I still accepted him. But this last 2 weeks, I found out na may kinakausap na siyang babae. So, I confronted both of them. Ako pa ang nagmukhang masama. I even told them na kung trip nila ang isa't-isa then wala na ko magagawa. And gusto ko na lang is magpakatatay siya.
This coming sunday, binyag ng anak namin. Ako nag asikaso na lang lahat. Requirements, palista and such. But 2 days ago, since kinomfront ko din yung babae na sana kausapin niya si ex na maging responsible kahit sa kids lang. Di na sa'kin. Mas lalong nagalit si ex. Saying na ibablock ako which he already did. He also said na from now on ako na bahala sa lahat.
Di ko alam kung ano mangyayari sa'min ng anak ko sa sunday. But I am just hoping na sana mapatawad ako ng anak ko kasi maling tatay yung naibigay ko sa kanya.
And to you ate girl, nakiusap ako na sana makausap mo siya kasi alam kong makikinig siya sa'yo na kung kaya magspend ng oras at pera sa'yo, sana gawin niya rin para sa kids niya. But you chose to ignore me.
And to you BD, di naman na para habulin pa kita. Di na para ipilit ko pa ang sarili ko sa'yo. All I want is yung sustento mo para sa mga batang iniwan mo. Magpakatatay ka naman. Napakabuti mo sa mga kaibigan at mga babae mo pero sa mga anak mo, na mahal na mahal mo sa socmed, e in reality napakawala mong kwenta.
And to his friends, na kahit anong pasuyo ko, kahit anong explain ko na ang hirap maiwanan ng mga bata esp nasa postpartum phase pa rin naman ako. Tapos di sinusustentohan ng tama. At todo support lang kayo kapag panay lang siya gala kasama kayo. Sana maging masaya kayo. Humingi ako ng tulong sa inyo pero ako pa rin lumalabas na baliw, praning or whatever names you call me. Grabe kayo. Sobra!!