Hindi Magkaintindihan ang Network Engineers at Technicians dito
Hello. June 30 pa kami nawalan ng internet at sa past 6 days of constant follow-up reports laging pabalik balik ang ticket ko sa technicians at network engineers. Tatlo na bumisitang technicians dito at pare-parehas sila ng sinasabi na hindi magawa ang linya at kailangan daw itawag sa office dahil sila na daw makakaayos non, pero pag finafollow-up ko naman sa CS ang sabi may problema sa physical line na kailangan puntahan ng technician ayon sa network engineers. Pero pag may pupunta, ganon ulit, ibabato lang ng technician sa network engineers.
Mukhang stuck na yung ticket ko sa loop na to at mag-iisang linggo na ring walang nangyayari dahil parehong walang nakakaalam sa problema ng linya ko. Pati CS paiba iba ng sinasabi. Sabi nung yuna may outage sa area, tapos biglang isolated case, tas ngayon outage na naman.