

Cholo Violago nagpadala ng cheesecake at mineral water sa burol.
Kagat na kagat naman ang mga bobotante ng Bulacan sa trapulpolitiko na ito.


Kagat na kagat naman ang mga bobotante ng Bulacan sa trapulpolitiko na ito.
Tagal na nitong vid na to sa IG pero ngayon ko lang nakita. Grabe sobrang harsh at gaspang ng ugali ng mga tao ngayon. Bullying na yung ginagawa hindi na constructive criticism. Ang laki ng potential nung bata sa pag kanta, need lang hasain by practice at voice lessons.
Ay ewan baka butthurt lang ako dahil 7weeks pp pero sana maging kinder pa tayong lahat sa kapwa natin.
Gusto ko lang maglabas ng nararamdaman ko kasi parang mababaliw na ako. Bagong panganak ako, at kailangan ko na ulit bumalik sa work abroad, wala pang 2mos si baby. Ganito rin nangyari sa panganay ko, iniwan ko siya agad para magtrabaho. Hanggang ngayon, ang dami kong namiss na milestones niya. Ngayon sa pangalawa ko, ayoko na sana ulit maranasan yun. Gusto ko makita lahat, yung paglaki niya, yung mga unang beses, yung simpleng araw-araw na kasama ko siya. Pero ang hirap… kasi kailangan namin ng pera. Malaking kawalan kung magre-resign ako. Tuwing tinitignan ko mukha nilang dalawang mag kapatid durog na durog puso ko.
May maayos ako na trabaho dito sa Pinas bago mag abroad. Negative ako sa PT, maganda rin result ng medical ko kaya nag immediate resign ako. Nilakasan ko lang loob ko ulit na iwan panganay ko sa pangalawang beses para makapag ipon. Walang araw na di ako umiyak sa sobrang pagkamiss sa kanya.
Pero buhay nga naman wala pang 2weeks sa abroad, dun ko nalaman na positive pala ako. Kung nalaman ko lang na buntis ako, hindi ako umalis ng bansa.
Ang asawa ko naman masipag sa trabaho, sa pag-aalaga samin ng mga bata. Yun nga lang hindi sasapat ang sinasahod nya kung magreresign ako sa trabaho ko. Hindi rin naman ako sanay iasa sa kanya lahat, gusto ko tulungan kami dalawa sa gastusin.
Pakiramdam ko kahit anong piliin ko, may mawawala sa akin. Bilang nanay, parang ang dami kong hindi nagagawa. Nakakalito, nakakapagod, at honestly, parang mababaliw ako kakaisip na kailangan ko na naman umalis. Inggit na inggit ako sa mga nanay na kasama nila mga anak nila mula pag silang hanggang sa pag laki.
Nag-aapply ako dito sa Pinas pero wala namang tumatawag. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Tumatakbo yung araw, papalapit na ng papalapit pag-alis ko.
Sorry, gusto ko lang ilabas. Tamang iyak lang ako habang nagtatype nito. Para akong sinasaksak sa puso sa sobrang sakit. Hay buhay.
Hi! Hingi lang sana kami recommendations.
Magpapabinyag kasi kami ng baby and naghahanap kami ng may restaurant reception around Legazpi, Albay or nearby areas. So far, tinitignan namin ay yung Antonia’s sa Daraga, at Lola Feling Restaurant Legazpi.
Baka may masuggest kayo, yung may masarap na food, magandang place, and okay for small to medium gatherings sana.
Thank you so much! 💛 ingat tayong lahat!