▲ 986 r/pacificDrive+1 crossposts

Sea energy event.

what if alien draining our planet's energy because we're not responsible for taking care of our own planet they'll know that earth is suffering from climate change.

u/mahoraga199x — 10 days ago
▲ 116 r/philippinesjobs+2 crossposts

FRESH GRADUATE IT 2026 BAT GANON ANG HIRAP MAG APPLY AND PARANG WALANG NANGYAYARI.

Hi everyone. Fresh graduate ako ng BSIT at ilang linggo na rin kaming naghahanap ng trabaho dto sa metro manila.

Halos araw-araw kaming nagpapasa ng resume sa JobStreet, Indeed, LinkedIn, at iba pang job apps.

Nagpapasa rin kami nang personal sa mga mall, offices, at stores tulad ng Mercury Drug. Kadalasan ang sagot ay "tatawagan na lang po namin," pero hanggang ngayon wala pa ring magandang update.

Nagtanong din ako sa guard ng isang mall kung saan pa pwedeng mag-apply, at sabi niya karamihan daw ng hiring ay dumadaan na sa manpower agencies. Dahil doon, napapaisip na rin akong mag-agency o kaya mag-abroad. Pero karamihan ng nakikita kong trabaho, lalo na sa Canada at Japan, kailangan pa rin ng experience.

Ngayon iniisip ko kung mas magandang mag-TESDA muna, kumuha ng certifications, o mag-upskill para mas lumakas ang resume ko. Medyo nakaka-frustrate bilang fresh graduate kasi gusto mo nang magsimula pero hirap makahanap ng unang opportunity.

Kala ko kase dati basta maka tapos ng college madali nlng hindi pala companies ang mag hahabol satin tayo parin pala di gaya sa ibang bansa.

Kung may maipapayo kayo, alam na hiring, o baka may pwedeng mag-refer sa entry-level IT, technical support, service desk, office staff, o kahit customer service roles or WORK FROM HOME PARA KAHIT NASA PROBINSYA NLNG AKO...sobrang maa-appreciate ko ang mga sagot nio. Maraming salamat.

reddit.com
u/mahoraga199x — 27 days ago