"Love picture ka"

Randomly nanghihingi ng pictures si husband lalo na pag pagod siya. 🥺 Simple lang pero pampalakas talaga ng loob nila. Hindi rin kasi biro maging OFW.

u/misairemisz — 5 days ago

First time ko makinig ng podcast

First time ko i-try makinig ng podcast, okay rin pala. 😅 Akala ko nung una boring siya pero ang dami kong natutunan. Not sure, sino pa ang dapat kong pakinggan.

Ang gusto ko sana yung about life, purpose, science/discoveries (idk may ganto ba haha).

u/misairemisz — 1 month ago

I think it’s time to choose myself

Nandito ako sa work ko ngayon dahil sa boss ko who’s with me since 2019. Grateful ako pero last year 2025, nabuntis ako & the same year, I lost my child (6 months). I almost died too.

Umuwi asawa ko from abroad, emergency. Need ako alagaan, pero January 2026 need na nya bumalik. I feel I lost everything. Walang bata sa sinapupunan, wala asawa ko physically. Wala kami choice dahil kailangan namin magbayad utang eh.

February of 2026, need na bumalik ng work, akal ko magiging okay makakahelp sa healing ko pero before matapos yung buwan, someone told me na a colleague of mine is pregnant & balak pa siyang ibaba sa department namin. Pagkauwi nagbreakdown ako, palagi ako naka-high alert kasi anytime pwede siya ibaba baka di ko kayanin.

Fas forward to March 2026, di naman natuloy na ibaba siya pero my boss who’s with me since 2019 is now pregnant. 😭 Sinabi nya sakin over lunch, and nagbreakdown ako uli sa harap nya habang nakain. Di ko na alam mararamdaman. Grabeng iyak ko pag uwi. Akala ko okay na, then pati aso ko of 8 yrs namatay next month.

Parehong anak-anakan ko kinuha sakin.

Akala ko matitiis ko pero hindi pala, yung body ko is nagrereact na sa sobrang stress nya to the point na kahit most of the time nakaupo lang kami sa office grabe yung pagod ko pag uwi sa bahay. Di ko maexplain bakit ganon, pero tiis lang, ayun lang kaya kong gawin e.

Not until, I learned another colleague is also pregnant. Dumating sa point na, kasama ko sa office yung isa, nakakasalubong ko sa hallway yung isa, then nakakasabay ko sa elevator yung isa. Ang hirap huminga & magsmile.

This time, di ko na kinaya, May 2026 nagsubmit na ako resignation. Walang back up, walang plano.

Bahala na, kaya ko to.

reddit.com
u/misairemisz — 1 month ago