Ayoko na pumasok
Nurse ako sa hospital, more than 5yrs na ko nagwowork. Nag resign ako sa dati kong hospital hindi ko alam kung burn out or gusto ko lng maiba ng experience, at syempre mas malaking sahod. So ayun nga , na-realize kong pagod na pagod na ko mag work sa hospital. Araw - araw nalang tinatanong ko sarili ko kung papasok pa ba ko , araw araw nalang akong sinusubok ng Panahon at mga tao . Di ko alam kung para ba talaga ako sa nursing , maayos naman ako mag work yun nga lang pagod na talaga ko sa stressful at fast paced na trabaho sa hospital. Tapos etong panahon dumagdag pa , ang lakas ng ulan so mas lalo akong nawawalan ng gana pumasok plus wala pang sahod . Ika 2 mos ko na sa bago kong hospital, tama bang mag Awol nalang ako , wala din naman pa ko sahod e. At kung mag awol ako makukuha ko pa ba yung dapat na sasahurin ko na buo this September? Sa government pala ko ngayon nagwowork. Ayoko na talaga , sorry sa parents ko for disappointing them pero di ko na kaya