Started my semaglutide journey✨

Started my semaglutide journey✨

Doctor prescribed Wegovy. Masakit sa bulsa but i trust her. I was initially interested with compounded semaglutide/tirz (belomed/andyou) but she insisted to go with FDA approved. After passing all my labs-checked my thyroid,kidney,liver,lipid profile,cbc if i’m a good candidate (glad with the results) Wegovy fits perfectly for me sabi nya. Hoping everything goes well! Sa mga naka Wegovy dyan, kamusta naman? Wanna read your journey.

u/paradoxgirl1995 — 8 days ago
▲ 1 r/ConvergePH+1 crossposts

Accidentally threw out the modem

Is there a way to avoid the fee upon cancellation of the subscription? We moved to a different address and applied to a new subscription just to avoid paying the 2.5k transfer fee kaya lang naitapon naman namin yung old modem. Nameet naman namin yung lock in period. I just really don’t want to pay the fee sa modem. Should i go to the business center to negotiate? I am a good payer and still a subscriber naman. May nakapagpa waive na ba ng fee sa modem na di nasoli dito?

reddit.com
u/paradoxgirl1995 — 19 days ago

DIM: INPLAY EF100-G V2 Ergonomic Chair

Initially eyeing the Musso E600 & Sihoo M57 Pro but it’s too expensive. How about this one? Is this a good option, too? Or can you guys please help me get a quality ergo chair that’s below 5k. Or should I really go with the Sihoo?

u/paradoxgirl1995 — 1 month ago

Childhood friend reached out to me and made me sad

Meron akong childhood friend. We were besties noon. Lagi ako nasa bahay nila para maglaro at sabay pa kami natutulog kapag tanghali. Hindi kami classmates noong elementary dahil mas matalino ako ng onti sakanya pero lagi kami nagbobonding pag walang pasok at naaalala ko nanunuod pa kami ng Myx Daily Top 10 bago pumasok. Naiinggit pa ako sakanya noon kasi super alaga sya ng nanay nya at masasarap lagi ang ulam nya, kumpleto school supplies at may baon pa syang pera aside sa pagkain kapag pumapasok.

Pagdating ng high school, naging malayo na kami sa isa’t isa. Sobrang pressured ako sa school at sya naman chill lang. Nagsimula na sya mapabarkada sa di ko kilala at magkaroon ng boyfriend. May times na nagkikita pa din kami sa lugar namin at naalala ko pinipigilan ko sya makipaglandian dun sa isang lalaki pero hindi sya nakikinig.

Fast forward, nalaman ko na lang isang araw na nabuntis sya. Hindi pa kami graduate ng college noon. Nalungkot ako para sakanya kasi alam kong nasira ang pangarap ng nanay nya para sakanya tapos hindi pa sya pinanagutan ng lalaki. Hindi ko alam ang buong kwento pero nadagdagan ng bubuhayin ang nanay nya. Hindi na kami nag uusap. Ngiti na lang pag nagkakasalubong. Nalaman ko na nabuntis uli sya ng ibang lalaki. Sobrang nagulat ako kasi nagpaloko nanaman sya. Iniwan din sya eventually at wala ng contact. Naawa ako sa nanay nya kasi hindi na sila nakaahon sa buhay.

Hindi na sya nakapagtapos ng pag aaral at hindi din nakapagtrabaho dahil sa mga anak nya. Ngayon malaki ang financial problem nila at nagulat ako bigla syang nagreach out sakin para humingi ng tulong. Wala na daw sya ibang malapitan. Nakakalungkot kasi feeling ko kulang sya sa guidance noong teenage years at hindi din ginamit ang utak sa pag ibig. Hindi din naging madali ang buhay ko pero sana pala naging close pa din kami para kahit papano may totoong kaibigan sya na mag aadvice sakanya sa buhay.

Nagbigay na lang ako ng onting tulong kesa magpautang sakanya. Sana maging ok sya kasi alam ko frustrated na din sya sa mga struggles nya ngayon lalo na sa hirap ng buhay. Sana makahanap sya ng maayos na trabaho o kaya may mabuting lalaki na makilala. Yung matatanggap sya.

Please please sa mga kabataan ngayon, practice safe sex or don’t do it at all if hindi pa ready. Gamitin ang utak at isipin ang mga pangarap sa buhay. Huwag maging mapusok. As a tita, always always choose yourself.

reddit.com
u/paradoxgirl1995 — 2 months ago