Normal ba na pag newbie ka sa work especially sa gov't di ka papansinin?
Kakastart ko lang kasi 1st job ko. Mag 1st week na. Tinanggap ko na para may magawa at makuha rin ako pandagdag ipon pag luwas sa city pero I'm not planning on staying there. First time ko ma-feel na out of place as in. Tapos yun isang employee dun pag nagtanong ako parang ang sungit na aagawan ng spot for regularization. May grupo grupo pa sila so kapag lunch wala ako kasama which is ok lang naman sakin I'm there to work and earn. Nanibago lang ako, normal lang ba talaga work environment na ganyan walang pansinan? yun magkakagrupo lang nagpapansinan, afaik nangiti naman sila but not to the point na aask ka nila. Tulad ng, " Bago ka dito? I'm ano nga pala and you?" Walang ganun? Sobrang OA ko na ba if ganyan naiisip ko? I want to hear your thoughts.