u/ultimark

33 [M4F] Nerdy, techy tito looking for something real, date to marry type

I'll keep this straightforward because that's just how I am.

33, graphic designer working remotely. Moreno, 5'10", lean build work in progress. Nag-gym thrice a week and recently started taking it seriously, progressive overload, tracking macros, the whole thing.

I'm a homebody but not the boring kind. Pretty nerdy and techy, I tinker with gadgets, build PCs, currently reviving an old PSP just because I can. When I'm not doing that, I'm gaming. I can play literally anything but currently rotating between an MMO, a fighting game, and a MOBA. I watch a lot of YouTube, Twitch, deep dive into internet culture, and I will absolutely yap about game lore if you let me.

But I do go out. Food trips, coffee, hiking, and I've been planning to do at least one out of town trip a month to explore different parts of the Philippines. Hindi pa nagsisimula pero malapit na. Would love to find someone to do all of this with, or just discover new things together.

Cat dad din to two chonky orange boys.

I play guitar and sing, (very selectively). I notice things in music most people don't. Production details, background sounds. It's a thing.

Sumasagot agad as soon as I can, as long as hindi busy. Pag busy, sasabihan kita beforehand para hindi ka maghintay ng wala. Antukin bilang trentahin, madalas nakakatulog na around 10-11.

About you: Chinita. Slim to curvy, as long as you take care of yourself. Ideally Laguna or nearby para mas madaling magkita. Or anywhere as long as you can handle LDR. Age 26-38

What I'm looking for: Someone serious, 'yung may intention talaga. Not just testing the waters. Gusto ko ng consistent presence and someone who's actually in it.

If you read this far, what's one thing you're really into right now that most people around you don't get?

reddit.com
u/ultimark — 3 days ago

'Di na ma enjoy 'yung happy moments.

Palagi akong naka-tambay sa Discord group naming magto-tropa. Pumasok bigla 'tong closest friend ko, mahilig siyang magkuwento ng mga ganap niya sa school, eh. (Our friend group has a wide age range, 3rd yr college pinakabata to sa akin na early 30's) After niyang magkuwento, tinanong niya ako kung okay lang ako.

Naisip ko bigla 'tong mga nangyayari sa akin. Recent break-up na habol pa rin ako ng habol. Na nalaman kong may iba na pala. Lahat ng pinagkakapitan ko ring signs at pag-asa, wala na. Besides that, 'yung recurrence ng cancer ng Nanay ko. Na before pa noong breakup namin ko nalaman. Naiyak na lang tuloy ako kasi iniwan talaga ako sa lowest point ng buhay ko noong kailangang kailangan ko ng katuwang.

Napasagot na lang ako ng 'di nag-iisip ng "Okay pa naman", napansin ng kaibigan ko 'yon. Tinanong niya, "Okay pa? So may inaabangan kang mangyayari?"

Ganoon na siguro ako ka-traumatized na I'm always bracing for something bad to happen. Kaya kung may masaya or magandang pangyayari, fleeting lang kasi alam kong babawiin rin.

May ganito rin ba sa inyo?

reddit.com
u/ultimark — 10 days ago

Grabe pala 'yung ex ko.

Remember si ateng may naka-small talk sa ospital and eventually dating na sila? Kilig pa ako noong una no'n, turns out, ex ko pala ampota. Haha.

Alam mo bang mahal ko pa rin 'tong babaeng 'to kahit sa lahat ng mga realizations ko pa tungkol sa kaniya dahil sa mga nadiskubre ko?

Nag simula 'yung rabbit hole noong may nakita ako dito sa sub-reddit na 'to. About ate ghurl meeting someone sa ospital habang nag-aantay. And I'm sure nakita niyo din 'yon kasi mag trending siya dito sa Trentahin sa dami ng upvotes at comments. I didn't know it was her at first. Nakilala ko lang sa way ng typings (grabe 'no, nakilala ko pa doon). Pero habang binabasa ko 'yung content, sa isip isip ko, no way na siya 'yon. Na agad agad, ready nang umentertain ng lalaki?

'Di naka private 'yung profile niya, pero super curated. Pili lang 'yung mga naka show. Even the posts about hospital guy, hidden.

Ang 'di niya siguro alam, reddit's privacy sh*t sucks so much na there's a tool na puwedeng gamitin para makita mo lahat ng posts and comments niya kahit naka-private and sometimes kita mo pa rin buong post kahit deleted na.

So I digged deeper kung siya nga. Lo and behold, siya nga talaga. Nakconfirm ko kasi may post siya noong supposed to be our anniversary namin, na mahal pa rin naman daw ako. Pero ipon na ipon pala 'yung sama ng loob, mga what if kung ganito daw ginawa ko. Puro ganoon 'yung sama ng loob. Na akala ko'y magkapatawaran na kami't bumabawi naman ako. 'Di man directly minsan, dinadaan ko sa ibang paraan.

Medyo na-off ako, kasi puro sumbat lang talaga. Nagsorry siya though na sinaktan niya ako. Pero not for what she brought into the relationship as well.

Her negative outlook in life na sinusubukan kong baguhin mindset niya, to see the brighter side in things. Nahirapan ako kasi 'di ko alam kung if I should just sit with her kapag nagiging negative siya, kasi madalas, nakakahawa. Or I should convince to think the other way.

Siya rin yung tipo na madalas sumuko. College dropout (though same kami, I tried hard carving my own path), 'di tumatagal sa work (reasons niya mahirap, may kupal or tamad na workmate/boss, maliit daw suweldo kumpara sa pagod), 'di rin tumatagal sa relasyon pala. Na baka lang tumagal sa akin ng almost 2 years, I tolerated lahat ng bad na tinanggap ko naman kasi mahal ko, eh. She tends to get mad sa sistema din na 'yung iba, may koneksyon, which is ganoon naman talaga sa buhay. Mundo palagi ang may kasalanan. Kapag may something na 'di pumabor sa kaniya, it's God's will daw na 'di daw talaga para sa kaniya 'yon. Instead of reflecting what she could do better next time.

Linked na siguro 'yung overthinking. Kaya non-stop din ang kailangan niyang reassurance. Binibigay ko naman, eh. But it always felt na kulang pa rin para sa kaniya.

Her hypervigilance na naka Life360 na nga kami, kailangan detalyado kapag may pupuntahan ako. Kung ano ang gagawin, kung sino ang kasama. I don't mind that naman. Pero pinaka malala is sa IG or FB, na kapag may plus one or minus one na friend or following, makikita niya agad 'yon. Na minsan 'di ko naman alam kung bakit nababawasan or nadadagdagan. Most likely someone deactivated and re-activated 'yung account. Though sometimes, may bago naman talaga but it's just random innocent shit na nadaanan ko sa reel or related sa graphic design, kaya ini-screenshot ko pa at ipapakita sa kaniya. Ultimo mapa-taob lang 'yung phone sa mesa or kung saan man, iisipin agad, may tinatago. Nalimutan lang i-unmute 'yung phone, may tinatago. Like dude!

Well, besides what she brought to the relationship na 'di niya talaga sinama doon sa post kaya naging framing, is ako talaga 'yung may kasalanan. And it hurts. Na naging training ground lang daw 'yung relasyon para sa akin. Na para bang ako lang 'yung nagbenefit sa relasyon.

Back to the hospital guy, she met him just around a month and a week after noong anniversary post niya na clearly saying mahal pa ako, na deleted na. Baka nga naman makita ng iba na may mahal pa pala that time, tapos may post agad na naka-small talk lang si guy na nakatabi sa ospital. Then dumating nga si Part 2 and si Part 3. Na umabot na sa date. I know she has all the rights. Pero gano'n lang ba kababaw 'yung naging relasyon namin to entertain a new guy agad agad?

Nasabi ng kapatid ko, na baka relationship dependent siya. Which sounds true kasi pattern is 3 months lang kahit gaano pa kababaw or kalalim 'yung relationship, humahanap na agad ng bagong makakausap.

Isa pa! Sabi niya is ex lang daw niya is 'yung long term relationship niya na umabot ng isang dekada na puro cheating. Na 'yun 'yung ginagawa niyang justification para sa negative thoughts and overthinking niya. Matagal ko nang alam na may mas luma pa siyang reddit account pero ngayon ko lang talaga napagtagpi tagpi. She never told me na naging sila talaga nitong isang guy pa before me. Ang sabi lang niya sa reddit post and sa akin is dating lang daw sila. Eh makikita clearly doon sa mas lumang reddit niya na they were clearly in a relationship for two weeks bago niya na diskubre na may anak pala si guy sa ibang babae. Umabot na sila no'n sa pagpapakilala sa parents at kaibigan.

So clearly, she selectively hides people and events in her past. Deleting reddit posts about them, not telling someone everything. Kaya pala one time dati, binanggit ko 'yung nadiskubreng luma niyang reddit account, 'di siya umiimik. 'Di ko na lang inungkat kasi baka ayaw niyang pinaguusapan 'yung ganoon.

Kaya wondering ako ngayon. Naging transparent kaya siya kay guy ngayon na may naka relasyon siya for almost two years? Or burado na ako tapos ang most recent ex na naman niya is 'yung long term niya para 'di magmukhang "mabilis lang pala mag-move on 'tong babaeng 'to, out na ako" Lalo't si guy daw ay 2 years nang single.

Lastly, sabi sabi pa siya ng 'di na daw muna siya makikipag relasyon, na focus daw sa sarili, na least priority daw ang relationship. Sabi niya pa mismo sa Nanay ko, na suko na daw siya sa pagibig at 'di na mag boyfriend or asawa. Sinabihan pa ako na habol pa daw ako ng habol kahit ayaw na niya, na saka ko lang daw pinahalagahan noong ayaw na, ganoon daw mga lalaki, tapos ako pa daw unang magkakajowa at magkaka-asawa. Kaya siguro niya binura na lahat ng reddit accounts niya. Kasi kitang kita 'yung patterns niya doon. Lol.

Masasabi ko na lang, good luck, bro. Your problem now.

Kaso alam ko man na lahat 'to, mahal ko pa rin 'tong babaeng 'to at nasasaktan pa rin sa fact na pinalitan agad ako. Ewan nga na baka kapag bumalik siya, tanggapin ko pa rin. My hearts, f*cked up. Super logical akong tao pero ganito ako pagdating sa kaniya ngayon.

==========

TLDR: 'Yung trending "kilig story" sa Reddit, ex ko pala ang bida.

  • Nakilala ko sa typings at way mag kwento 'yung trending post tungkol kay "hospital girl". Nag-archive dive ako at nakumpirmang ex ko nga siya na "kilig na kilig" na ngayon sa bago.
  • Pattern niya talagang sumuko sa lahat: college dropout, laging nagre-resign sa work kapag mahirap, at hindi rin tumatagal sa relasyon. Laging "mundo" o "sistema" ang may kasalanan sa kaniya imbes na mag-reflect sa sarili.
  • Nabasa ko 'yung mga deleted posts niya. Doon ko napatunayan na "selective" siya sa kwento. Palabas na ako lang ang mali, pero 'di niya binanggit 'yung pagiging hypervigilant niya (Life360, bantay sa socials, ultimo nakataob na phone paghihinalaan) at 'yung pagiging negatibo niya na halos mahawa na ako.
  • Sabi niya sa Nanay ko at sa akin, "suko na sa pag-ibig" at ako pa raw ang unang magkakajowa—pero ang totoo, 1 month lang matapos siyang mag-post na "mahal pa ako," may "hospital guy" na agad siya.
  • Selective siya sa pag-amin ng past: binubura niya 'yung mga dating at short-term relationships niya sa Reddit para magmukhang "healing" lang siya mula sa long-term ex niya at hindi magmukhang relationship dependent.
  • Alam ko namang "training ground" lang ang tingin niya sa akin at naging "good luck, bro" na lang siya sa bago niya, pero putcha. Mahal ko pa rin. Kahit logic na ang nagsasabing red flag, marupok pa rin ang puso ko.

EDIT: Added TLDR

reddit.com
u/ultimark — 12 days ago

Nabanggit kong nagreflect ako sa lahat lahat. Tungkol sa atin, tungkol sa'yo. Sa akin rin. Gusto ko lang ilapag, 'di para kumbinsihin ka, pero dahil ito 'yung tingin kong totoo. And I think deserve naman na masabi.

I see you now. Sa paraang 'di ko nakikita dati.

Naiintindihan ko na kung saan ka nanggaling. Sa Papa mo na umalis, malala eh 'di nga lang umalis, talagang pinamukha pa. Na si Mama din noong lumalaki ka is tutok din sa work para maging present sa paraang kailangan mo kaya si Nanay mo na lang at si Tita T. ang nagalaga sa'yo mostly. 'Yung away sa pamilya niyo, na kayo pa 'yung pinaalis. Tapos bigay lahat lahat sa ex mo, na naiwan mo tuloy si Mama. Na ang binalik lang sa'yo ng ex mo, cheating. Paulit-ulit pa.

Kaya natutunan mo noon pa lang na conditional ang pagmamahal. Na umaalis eventually ang tao. Na wala ngang kasiguraduhan ang lahat. Na para mahalin ka, or makita 'yung value mo, todo bigay dapat. Naging ganoon ka, sa pagmamahal, sa trabaho. Na kahit ganoon nga, 'di pa rin sapat.

Kaya naging sistema mo, mag reciprocate. Pakita muna sa'yo kung ano kayang ibigay, bago ka mag give back. Na safe dapat muna. 'Di para manloko, naninigurado ka lang.

Tapos nakilala mo nga ako. 'Yung taong 'di kuha 'yung language mo ng todo. Na ang kailangan mo is 'yung visible, consistent, small things kind na love, pero ang nabibigay ko is 'yung quiet kind, planong nasa isip lang, loyalty and presence na 'di mo laging dama. Hinahanap mo 'yung proof, may nabibigay naman akong totoo, pero sa paraan na 'di mo mareceive ng todo.

'Di mo kasalanan 'yon, and 'di rin sa akin. 'Di pa lang natin mafigure out kung paano mapag-connect 'yung dots.

Gets ko rin kung ano 'yung dinala ko sa relasyon natin.

May wounds din akong dala-dala. Almost ten years na binigay lahat na iniwan lang din. Na dahil doon, ang natutunan ko naman is kahit ibigay mo lahat, 'di ibig sabihin, 'di ka na iiwan. So nakapagtayo na pala ako ng walls ng 'di ko alam. Iniwasan ko nang maging vulnerable. Kaya 'yung love ko, 'di rin mailabas lahat. 'Di dahil 'di ako tiwala sa'yo. Pero deep inside, natutunan ko na being fully seen is dangerous.

And naramdaman mo 'yung wall na 'yon. Banging on it trying to reach me. And napagkamalan kong pressure siya imbis na maramdaman kong gusto mo lang akong makita, everything. Nagsstep back ako imbis na lumapit sa'yo. Dahil sa takot, na 'di ko ma express noon.

Parehas tayong wounded. Parehas na ginagawa 'yung best sa kaniya-kaniyang paraan. Parehas na minahal ang isa't isa sa paraang 'di mareceive ng buo.

Gets ko naman na kung anong dapat na ginawa ko.

Dapat inamin ko na lang na nanghihina ako noong 25th ng gabi after ng usap natin. Na nalulunod ako sa lahat, sa nakita ulit na mass kay Nanay kaya kinailangan mag chemo ulit, sa pag pressure ko sa sarili kong makahanap ng trabaho, para maging mas okay sana tayo and paubos na rin talaga funds ko noon na kinimkim ko lang. Dapat sinabi kong, "Mami, nahihirapan ako. Kailangan ko ng tulong mo." Instead, I made a decision alone. In silence, thru text, araw bago ka mag birthday.

'Di strength 'yon, 'di ko lang natutunan na okay lang humingi ng tulong. Na 'di rin naman talaga ako burden para sa'yo.

I should've translated my love better. Palagi naman nandoon 'yon, 'yung mga plano, 'yung after three years is papakasalan kita, na magppropose sana ako nitong 2nd anniv natin, 'yung pag upskill ko para masimulan na kahit papaano mabuild 'yung future natin, 'yung way na I remember everything about you kahit nga random things. Pero 'di dapat quiet love ang paraan para sa taong ang kailangan is araw-araw in small ways ipinapakita 'yung love. And natututunan ko naman na 'yon.

Dapat nag open up din ako. About feeling like walking on eggshells, na ang nafeel ko is lahat ng ginagawa ko is 'di sapat, na gusto ko sanang magtiwala ka sa akin 'di dahil sa mga pinapakita ko, or sa kilos, or sa patterns ko, kundi dahil pinili mong pagkatiwalaan ako. Dapat 'di ko kinmkim lahat 'yon. Wala kasing mangyayari kung 'di ko nga naman i-bring up.

Naintindihan ko kung paano tayo sa isa't isa.

Ikaw 'yung nagmahal sa akin sa paraang 'di ko pa naramdaman kahit kailan. At dahil first time nga, 'di ko rin alam kung paano siya suklian sa paraan na kailangan mo. 'Yun 'yung part na nakaka-sad. Totoo 'yung love. Nagsasala lang tayo, 'di nattranslate ng ayos para sa isa't isa.

Ginawa mo akong buong mundo mo. And 'di ko alam kung paano buhatin 'yon ng 'di ko mafeel na madadagagnan ako. 'Di dahil too much ka. Pero 'di kaya ng isang tao buhatin lahat ng 'yon. Alam ko 'yon, pero 'di ako humingi ng tulong kahit kanino. Kahit sa'yo.

Anxious ka, avoidant ako. 'Yung pagiging anxious mo, mas gusto maging close, ako naman is keeping distance. Nattrigger natin ang isa't isa ng 'di natin sinasadya. 'Di ka crazy for needing more. 'Di rin ako cold dahil sa paghingi ko ng space. Tayo lang 'yung may wounds na nahahalukay 'yung insecurities natin.

Naghihintayan siguro tayo noong huli. Na kung sino dapat ang mag reach out. Parehas nagmamatigas. 'Yung silence, naging sagot na parehas nating 'di gusto.

Deserve mo 'yung taong mapaparamdam sa'yo na pinipili ka. Na 'di lang sa salita. Kundi sa small, little ways. 'Yung consistent. Na random lang kahit sa ordinaryong araw. Na nauunang magpapansin sa'yo. Na nanonotice lahat ng kung anong gusto mo, tapos inuunahan ka na bago mo pa sabihin. 'Yung 'di mo mafi-feel na too much ka. Kasi never ka naman magiging too much para sa tamang tao.

Deserve mong ma feel na secure ka. 'Di dahil sa reassurance na 'pag hiningi mo, ibibigay. Kundi dahil sapat na 'yung relasyon na nabuo. Doon pa lang safe ka na para makalma ka na ng as in kalmado na talaga.

Deserve mo 'yung love na 'di mo na feel ilagay sa isang folder 'yung pictures and videos para isang burahan na lang kapag nawala. 'Yung love na 'di mo kailangan mag-worry kung kailan nawawala. 'Yung love na nandiyan lang. Kasi mahal mo lang. Walang dahil ginawa niya 'to, or sinabi niya 'to or pinakita niya 'to.

Worthy ka sa lahat ng 'yon, 'di dahil sa binibigay mo at pinapakita mo. Dahil deserve mo lang.

Gets ko rin kung ano ang deserve ko.

Deserve ko rin mahalin sa paraan na gusto ko. Sa tahimik na paraan, sa plano na quietly binibuild. Na okay lang ipakitang weak minsan imbis na kailanganing maglakas lakasan. Na pagkatiwalaan kasi deserve ko, 'di dahil sa pino-prove ko sa mga actions ko. Na matanggap rin sa kung sino ako, 'yung avoidance, 'yung walls, 'yung tahimik na ways ko, at tulungan akong mag-grow, imbis na maparusahan ng dahil doon.

Deserve ko 'yung kakapit din sa paraang kumakapit sa'yo sa mga araw na napanghihinaan at gusto nang sumuko.

Alam ko naman na kung saan ako papunta.

I'll keep working on myself. 'Di tactic, or grand plan para makuha ka ulit. Dahil deserve ko lang din maging buo ulit. Na worth it gawin para sa sarili.

I'm going to learn to translate my love better. Na ipakita siya loudly. Na ipakita sa small daily moments imbis na sinasarili lang na walang makakakita.

I'm going to learn na humingi ng tulong kapag nahihirapan ako imbis na gumawa ng desisyon ng padalos dalos.

I'm also going to learn how to receive love. Fully. Ng 'di ko inaabangan kung kailan din ako iiwan.

And I'm going to trust Him with the rest. With you. With whatever is meant to happen. Nagsimula na akong magdasal ulit. Agnostic na nagdadasal, dahil sa'yo, sa mga nangyari, dahil may nag-open up sa akin na 'di ko alam na matagal nang nakasara.

Bukas lang 'yung pinto para sa'yo, D. It will stay that way. 'Di para maging burden para sa'yo, 'di expectation, kundi 'yun 'yung totoo para sa akin.

Na someday, kapag healed na tayo pareho, sa tamang timing, kapag puwede nang magsimula ulit, imbis na ayusin lang 'yung dati. Kapag nakita mo 'yung daan pabalik, nandito lang ako. Different. Better. Ready na in ways I wasn't before.

And kung hindi ka bumalik, I'll always have you. Sa matapang na kapeng natutunan kong magustuhan dahil sa'yo, sa mga kantang nirerelate ko sa'yo na nagpplay na lang randomly sa radio, sa mga cafe na itatry ko mag-isa na tingin kong magugustuhan mo.

You were real. What we had was real. And the loss, it's real too.

'Yung love din. Still. Hanggang ngayon.

Mahal kita, D. Hanggang sa muli, wuv wuv. Kung mangyari man.

M.

reddit.com
u/ultimark — 16 days ago

'Di ko na talaga kaya. Feeling ko pagsisisihan ko ng todo kapag 'di pa rin kita pupuntahan. Ever since January pa, gustong gusto na kitang puntahan sa personal. At sa mga dumaang celebrations pa sana. Pinigilan ko lang sarili ko out of respect sa paghingi mo ng solitude.

Alam kong mas peaceful ka ngayong wala ako. Pero 'di ko mapapatawad 'yung sarili ko kapag 'di ko ginawa lahat ng naiisip ko para lang mabigyan lang ulit ng pagkakataon.

'Di para tanggapin ulit. Chance lang para patunayan pa 'yung sarili ko. 'Di naman talaga tayo totally na olats noong tayo pa. Unti-unti namang nag-iimprove. Nagkabanggaan lang talaga tayo that one time imbis na nagtulungan.

Hintay ako ng hintay, dasal ako ng dasal. Pero alam kong walang magiging katuturan 'yon kung 'di ako kikilos. Kaya heto ako ngayon magpapasiya nang isugal ang dignidad ko para sa taong mahal ko.

Kung saan saan na ako sumubok mag reach out online. Echo chambers lang.

Kaya sa Biyernes ng umaga. Pupuntahan kita. Bahala na kung saan humantong. Dadalhin ko 'yung regalo na sana'y ibibigay ko sa kaarawan mo.

reddit.com
u/ultimark — 16 days ago