Gusto ko na i-cut off yung friend ko
Problem/Goal: Naoffend ako sa friend ko, and nagreflect ako to our friendship and parang gusto ko na siyang icut off, hindi ko na makita yung reason to stay pa in this friendship, tama lang ba to cut off agad without confrontation?
Recently, I got into an accident na nagkaroon ako ng bone fracture, di ko pwedeng ilakad yung foot na may bone fracture, nangangamusta naman siya, she said na parang gusto niya ako dalawin, and then i said thank you, na sabi ko nalulungkot na nga rin ako tapos nadulas pa ako twice, and then she reacted haha and said "kawawa ka naman talaga🤣" tapos ako sabi ko "actually nauubusan na ako ng positive thoughts" naghaha react lang siya, and then days after nagsend ng reels di ko pinanuod then kanina i said na "sorry teh wala lang talaga ako gana makipag usap" then she reacted haha again then said "kawawa 🤣" naoff ako kasi parang ano bang nakakatawa? Hindi ko naman din hiningi na kaawaan niya ako, so nag isip isip ako, then naalala ko nga na kapag siya naman di ko naman siya dinidismiss kapag may problem siya, tapos ayun naalala ko na kapag ako pala magsheshare lagi siya nakikisapaw, na kakakwento niya lang siya na naman ulit, naiisip ko ngayon worth it pa ba yung ganitong friendship? Feeling ko the whole time is dismissed ako palagi sa friendship eh, or ewan ko