Hindi makatulog ng maaga.
Problem/Goal: Gusto ko matulog nang maaga pero hindi ko talaga magawa, ending umaaga na bago ako makatulog.
Context: I (22F) have been struggling with my sleep lately. Kahit sobrang pagod na ako sa buong araw, hindi pa rin ako makatulog agad. Wide awake pa rin ako tuwing gabi hanggang sa umaga na lang ako nakakatulog, matagal ko na talagang problema ‘to since highschool palang ako.
Previous Attempt: Tinry ko na yung mga advice na nababasa ko online. Uminom na rin ako ng sleeping pills at melatonin gummies, pero instead na makatulong, sumasakit lang ulo ko. Kahit tinatake ko sila, hindi pa rin ako nakakatulog.