Are you into men/women or both?
Are there any bisexuals here like me?
Are there any bisexuals here like me?
May marerecommend po ba kayo na restaurants na hindi super kamahalan na tulad ng 700-800+ per person 😂. Okay lang po yung 400+ per individual or lalampas ng 1000+ per meal (Dalawa lang kami) and marami namang serving like Ramen Nagi and Yabu.
I'm living near Estancia and Ayala Malls 30th po. Thank you!
Survey lang po.
Marami ba talagang bisexual?
As a trentahin at introvert, hindi ako gaano masyadong fan ng small talk. Tapos paano kapag during work/busy hours and mas mataas yung posisyon or mas matanda sayo yung kausap mo, how do you end a convo respectfully?
May sinusunod kasi kaming quota so fast-paced yung work environment namin kaya wala talaga time masyado mag chat. Like for example may tinanong lang ako saglit sa kanya tapos nag-thank you na ako. Kaso sa huli biglang babanat pa siya ng "So kamusta ka naman?"
Haha hindi ko naman pwede sabihin na "Okay lang naman po ako, Byee."
I already watched the following:
Nanakaw/nawala po wallet ko and nandon din ang PWD ko.
Nakakuha na po ako ng Affidavit of loss. Kailangan ko pa rin po ba ng bagong med cert galing sa Psych ko?
Simula nung teenager ako problema ko na talaga ang pimples. Sabi ng tatay ko, "Okay lang yan, at least alam mong bata ka pa". Haha ngayon, malapit na ako mag-32 y/o pero ayun may pa-isa isa pa rin, pero malinis naman ako sa mukha/katawan. Yun nga lang pag may gumaling na isa, may susulpot na naman haha, kaya problema ko ang acne scars. Ang nakakatawa pa, pag may lakad ako, tska talaga sila lumalabas.
Alam ko namang isa sa mga causes yung genetics, stress at pagiging oily. Gusto ko lang malaman kung hindi lang ako nag-iisa? 🥲
For me, it’s better to be with someone who shares similar values and a similar personality.
My partner and I are like two peas in a pod. We share the same interests and personality traits. I believe that has been one of the strengths of our relationship over the years.
1st year college ako non, tapos hindi pa ako masyadong close sa mga classmates ko. Habang nakapila ako sa elevator, may na-recognize akong kaklase ko. Kumaway siya at nag “Hi” back din ako 👋🏻. Ngumiti siya at habang papalapit, ineexpect ko na kakausapin niya ako. Kaso nagulat ako kasi nilampasan niya lang ako. Yung tao pala sa likod ko ang kinakawayan niya at hindi ako 🤦🏻♀️.
Parang gusto ko nang lamunin ng lupa pagkatapos ng encounter na yun haha. Simula non, nag-try na ako mag suot ng salamin kasi hindi ko talaga makita sa malayo kung may nakatinging mata sa’kin. Sorry din sa mga kumaway sa’kin pero hindi ko napansin. Sadyang malabo lang talaga ang mata ko 😂.
Hi, I just want to know kung hindi ako nag-iisa. Skl yung story ko:
I have a fear of my own blood. May isang beses nasugatan ako, tapos nahimatay ako nung na-feel ko yung pain at nakita ko yung dugo ko 😂. Namalayan ko na lang maya-maya na na nakahiga ako sa sahig ng kusina namin.
I had a childhood accident na nasugatan ako ng malalim at maraming dugo ang nawala sa'kin. Pero pag nakakakita ako ng dugo iba, okay lang naman, hindi ako nagpapanic (I'm a doctor btw haha). Pero once ako na yung masaktan at masugatan, takot na takot na ako. Kahit pag tuturukan ako ng injection, nagiging anxious na ako 🥲. Pero pag ako yung magtuturok, okay lang sa'kin haha.
Bukod sa sobrang yaman nila, bakit kaya sila gumagastos ng sobrang laki sa bagay na hindi part ng needs. As a person na matipid, nacurious lang ako.
Edit: Thanks for the comments. I have a relative kasi, and I just want to know her POV. Kasi bumibili siya ng sobrang mahal tapos sa huli hindi na niya gagamitin. Masaya lang daw siya pag bumibili pero pag nabili na niya, nawawalan na siya ng excitement. Siguro she's also healing her inner child na rin.
Dati kahit anong kain ko, hindi naman ako tumataba. Ngayon baliktad, kahit hindi ako kumain, ang laki pa rin ng tiyan ko haha 🥹. Puro gulay at isda na nga lang ulam ko.
May kilala kasi ako. Alam kong hindi naman sila mayaman pero bakit parang mas maarte pa siya sa mga kilala kong rich kids. Nakitulog dito sa condo yung pinsan ng partner ko tapos ito yung mga napansin ko:
• Tuwing umaga pumupunta siya doon sa pool para mag video at magpicture. Imagine nakashades siya tapos uupo siya sa may tabi ng pool gamit yung tumbler ko at yung ipad niya tapos ipopost niya sa FB. Ang pool na yun ay para sa tenants at condo owners lang. So kami din nagbayad para makapag swimming siya don. Medyo nakakaasar lang kasi pinaghirapan ko yung condo namin tapos ipopost lang ng iba sa social media na as if sa kanya yung buong lugar. May isang beses pa, nung nakauwi na siya ng probinsya, inutusan niya yung partner ko na picturan daw yung pool kasi ipopost niya sa FB 😂. Tapos ang gagamitin pa na pangpicture ay yung phone ko para raw mas maganda ang kuha. Syempre hindi ako pumayag haha.
• Ang hilig niya mag-Starbucks kahit naman bawal sa kanya ang matatamis kasi lagi siyang nagkaka-tonsillitis. Lagi siya nagpapapicture don habang nakapose na gamit niya yung ipad niya. Actually yun nga ang DP niya ngayon sa FB hahaha.
• Gustong gusto niyang hingin yung Netflix account ko. May pambili siya ng iphone at ipad pero wala siyang pang-subscribe sa Netlfix. Hindi ako pumayag kasi baka ipagmalaki na naman niya sa FB na nanonood siya ng Neftlix, kahit hindi naman sa kanya yung account 🥲.
• Ang arte niya sa pagkain nung nagbakasyon siya sa’min. Tapos wala naman siyang halos ginastos. May isang beses, nilibre namin siya ng ramen, tapos ang dami niyang bad comments. Libre na nga ang dami pang sinabi. Nagvivideo din siya habang kinakain niya yung ramen 😅.
• Gustong gusto niyang pumuntang BGC para mag “vlog”. Kaso nung pumunta siya, sa Starbucks lang din naman siya napadpad. Tapos bumili siya ng drink na hindi rin niya naubos kasi baka raw sumakit na naman lalamunan niya.
• Taliwas na taliwas yung mga pinopost niya sa social media sa simpleng buhay nila sa probinsya.
Sa totoo lang, ang tagal mag-email ng Tenet about sa next step ng MCA application. Sana sabihin agad nila kung qualified, passed/failed yung applicant para hindi umaasa. Nag-walk in ako tapos ang sabi maghintay na lang daw ng email. Tapos 1 week na ang nakaraan, wala namang email about sa next step. Tapos nag-follow up ako ulit via email. Nag reply naman kaso nanghingi na naman ng details about sa name, course, kung amenable daw ba ako mag onsite and sa 2-year bond. Eh nakapasa na ako sa assessment exam tapos natanong na rin sa'kin yung mga details na yun during initial interview. Nagpasa na rin ako ng resume from the very start. Medyo magulo lang tapos ulit-ulit. Nakaka-frustrate lang, need ko na malaman kung makakakuha ba ako ng slot sa MCA for Aug. 31. Kasi I don't know if I should keep on waiting or kailangan ko na ba maghanap ng ibang work. Currently, ang bumubuhay sa'kin ngayon ay savings ko sa previous work ko at syempre limited lang naman yun.