NEVER AGAIN SA D SALON SA MOA

NEVER AGAIN SA D SALON SA MOA

Nag pagupit ako sa d salon sa moa kaso wtf halos nag mamadali ng sobra yung nag gugupit. tatlo kami sabay sabay nya ginugupitan. Aligaga pa sya na ewan, nag sasabi ako ng gupit, ano ano naman pinag sasabi nya. then sa dulo pansin ko na na hindi na pantay pantay lahat. Sabi nalang sya ng sabi na aayusin nya daw kaso palala lang ng palala.

PTINA DATE KOPA NETO AFTER KO MAG PAGUPIT KASO PTINA TALAGA GNGO LANG NG SOBRA NA PARANG PINAG TRIPAN

u/C4pta1n_D3m0n — 11 days ago

BomX mags clearance benta sa speed depo sa laz

Legit yung clearance sale nila. dumating kahapon. may iba pa silang naka clearance sale na mags. and yes bnew pinadala nila hindi yung gamit or puro gasgas.

u/C4pta1n_D3m0n — 3 months ago
▲ 37 r/OffMyChestPH+1 crossposts

ibang field nag iinterview para sa ibang field badtrip

​

Nakakabadtrip. Kakatapos ko lang sa interview, tapos yung nag-iinterview eh marketing department pero para sa IT field na work.

May nakasabay ako, tapos tinanong siya, "Kaya mo ba mag-code?" Nag-yes naman yung isa. Sabi ba naman, "Can you code this and recite it to us?" Sinagot naman siya nung isa na medyo mahirap, lalo na yung ipapa recite. Nagtanong na naman si marketing, "Eh alam mo ba talaga? Paano kapag may hindi ka alam, igogoogle mo pa?"

Sinagot naman siya ulit na yes, nag gogoogle talaga mga nasa IT, hindi naman mawawala yun sa trabaho. Eto yung nakakabadtrip sobra na sagot niya "Edi ano pang silbi niyo? Kung Google lang pala gagawin niyo. kapag asa trabaho na bawal pagoogle google."

Nakakabadtrip pa lalo yung ilan sa mga technical questions. Puro lang "alam mo ba to?" o "alam mo ba yan?" Tapos kapag sinagot mo yung problem sa ibang way pero tama naman, mali pa rin kasi may tinitingnan lang silang iisang tamang sagot. Like, WTF? Hindi naman iisa ang way ng pag solve sa mga technical.

Pati sa pagreremote sa user, tinanong kung ano daw gagamitin. Siyempre nag list ng ibat ibang remote tools na pwede gamitin. Mali raw kasi TeamViewer daw sagot. WTF.

Eto pa, pinaka basic. Putcha, nagtanong kung ano raw ginagamit para malaman internet speed. Edi nag list ulit ng iba't ibang tools. Mali na naman daw kasi Speedtest.net rae sagot. WTF.

Nakikinig palang ako sa interview, sumasakit na agad ulo ko. Halatang halata na parang hindi alam nung nag iinterview kahit isa sa mga sinasabi niya.

reddit.com
u/C4pta1n_D3m0n — 3 months ago

JUNE TO JULY KAMASALAN

Ewan ko na kung ano ba talaga ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Halos lahat ng nangyayari sa akin puro kamalasan.

First – Nawalan ako ng trabaho. mapopromote na sana ako at malilipat sa ibang department, pero kailangan munang maghintay ng one month processing. Habang naghihintay ako, wala muna akong trabaho. Tapos nalaman ko na nagpalit pala ng management. Hindi ako natuloy sa promotion ko, tuluyan pa ako nawalan ng trabaho.

Second – Kakapark ko pa lang sa 7-Eleven tas kakapasok ko pa lang ng store then inararo ng truck yung sasakyan ko. sabi nawalan daw siya ng preno. after makipag usap tumakas pa ang truck driver tas iniwan nalang yung truck. hanggang ngayon hindi pa naaayos sasakyan ko at hindi pa rin ako nababayaran.

Third – Pauwi ako ng bahay galing office para kunin mga gamit ko na naiwan, tapos nabangga ako ng dalawang kamoteng rider na nagkakarera, habang naka stop lang ako sa stoplight. Wasak motor ko, dami ko sugat at pasa sa katawan, malala pa wala pambayad mga nakabangga.

Fourth – Sa side hustle ko naman, yung supplier ko na matagal na, bigla ako tinakbuhan habang may ongoing pa kaming transaction. Nakuha niya malaking pera ko, kasama pa pera ng client ko. kaya ayon napilitan pa ako mangutang nang malaki para lang mabayaran client.

Fifth – Pinasok pa ng akyat bahay yung bahay ko. Nakuha pati natitira ko nalang na pera, kasama mga alahas at gadgets.

Lahat nangyari lang mula netong June hanggang ngayong July. Hindi ko na maintindihan kung bakit sunod sunod. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o magagalit. hindi ko na rin alam kung ano pa ba gagawin ko.

reddit.com
u/C4pta1n_D3m0n — 3 months ago
▲ 4 r/LawPH

Kamote sa commonwealth

Etong 1:00 am nung saturday, pauwi nako at sa commonwealth yung daan ko. Papasok na ako sa subdivision namin at nasa bike lane na ako nang bigla nalang may bumangga sa akin. Mukhang sinubukan pa niyang humabol sa harap ko, pero hindi na niya kinaya.

Wasak ang motor ko, at ang dami kong sugat sa buong katawan. sa sobrang lakas ng impact halos nag paikot ikot ko sa daan.

Pagdating sa police station, nakapag-usap naman kami. Inamin niya na mabilis ang takbo niya at hindi na kinaya ng preno. Pero wala ring nangyaring kasunduan dahil wala naman daw sya ginawang mali wtf, kaya tuloy na lang daw kami sa kaso. Gusto niya na kanya-kanya na lang kami ng bayad sa mga damage namin, pero siyempre hindi ako pumayag dahil ako yuny sobrang na naagrabyado.

Ngayon, inaasikaso ko na ang mga requirements para sa kaso. Sinabi naman na pwede pa rin kami mag usap kung gusto nilang makipag-settle. Pero itong rider, halos hindi na nagre-reply. Ngayong araw, tuluyan na talaga siyang hindi nagparamdam.

Sobrang nakakapanghina yung nangyari. Lagi ako sobrang ingat magmaneho, pero ganito pa rin.

Ano po susunod dapat gawin at ano pa ang pwede ko gawin? Mukhang wala na talaga silang balak makipag-settle o makipag-usap.

ayoko na rin makipag-settle. Gusto kong matuto siya sa pagiging kamote nya at makulong.

reddit.com
u/C4pta1n_D3m0n — 3 months ago

couple pussy cats

Ngayon ko lang napansin na pang 6th batch na pala sila na mag couple na stray cats na sobrang naging close sakin. Tatlong buwan na rin simula nung dumating sila dito sa banda samin at simulan ko sila pakainin.

Matagal nako nagpapakain ng mga stray cats kung san san, pero napapansin ko na laging may mag couple na stray cats na napapadpad dito mismo samin at nagiging sobrang close sakin. Tapos mga ilang buwan bigla na lang silang mawawala at hindi ko na ulit makikita. after ng ilang weeks, may bagong mag-couple na naman na papalit.

u/C4pta1n_D3m0n — 3 months ago

ASAP Hiring: Image to word

need asap. mag transfer lang ng mga text from image to word. itutuloy nalang nasimulan ko. may format na lahat.

price dm nyo nalang hm. need mamayang 4 am na din

reddit.com
u/C4pta1n_D3m0n — 4 months ago