Relocation survey issue
Kalilipat ko lang ng bahay and before kami nagtayo ng kung anu-ano nagpa-relocation survey muna kami. May bakod yung dating may-ari ng bahay, hindi sya full bakod pero clear ang boundary. After ng survey same lang din yung kinalabasan. Fast forward to now, nagpasurvey ang kapitbahay. May discrepancy sa survey result namin. May around 50cm daw kaming nasakop sa lot nila sa gilid. Hindi daw kasi sinukat ng Geodetic Engineer namin yung mula daan sa highway at dulo to dulo. The problem is may napatayo na akong kitchen and catio na naka-firewall sa dating bakod and unfortunately ginapang ko lang yung side na yun para matapos. Inuna ko talagang maayos yung side na yun kesa sa bahay ko. Where to go from here? Kahit bigyan nila ko ng ample time para iayos yun, wala na akong resources na paghuhugutan..6months pa lang din since lumipat ako. Yung relocation survey namin happened last year around July or August2025 while yung sa kapitbahay ay nung isang araw lang.