As a tenant, may right ba ako magreklamo na alisin mga tinatambak na gamit sa tapat ng unit ko?
Solo living ako kaya ang hirap mag-approach dito kasi mamaya isipin nagrereklamo ako at pag-initan nila. Ilang taon na ako nakatira dito and unfortunately, di ako makahanap agad ng lilipatan since I have pets. Umay na din kasi ako sa nagyoyosi sa tapat tapos may manukan pa malapit. Di ko alam if landlord yung naglagay or yung brother in law nila ng malaking drum sa tapat ng bintana ng room ko sa baba pa ng window AC nakatapat. Since tag-ulan na eh kahit nakataob, may times na yung pwetan ng drum eh nag-accumulate ng tubig. Nag-worry ako mamaya bahayan ng kiti-kiti. As a tenant, may right ba ako ditong magreklamo na ilipat nila kung saan pwede? Yung tapat pati ng unit ko may mga sako-sako ng pinaglinisan nila galing sa mga kanal ng compound. Last year pa nila nilinis yun, bago mag tag-ulan e hanggang ngayon andito pa rin although di naman kadikit ng pader ng unit ko pero nasa tapat which is katapat rin ng bintana ng kusina kaya pag tag-ulan sobrang baho kaya sinasara ko na lang tuwing gabi yung bintana.