
'May freedom of expression tayo pero hindi kailangang maging bastos!'—Usec Castro
Binanatan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang ilang mga Pilipinong nagsagawa ng kilos-protesta sa Vancouver, Canada laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, noong Biyernes, Hulyo 3.