Nigerian ginahasa ang menor de edad sa parking lot
▲ 592 r/newsPH

Nigerian ginahasa ang menor de edad sa parking lot

BABALA, SENSITIBO ANG PAKSA

Arestado ang isang 35-anyos na Nigerian national kaugnay ng kasong panggagahasa sa isang menor de edad sa Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado ng hapon, Oktubre 10, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Anthony,’ kabilang sa Regional Most Wanted Persons ng Police Regional Office 4A, na naaresto sa 21st Avenue, Project 4, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, naganap umano ang pang-aabuso sa parking area ng isang mall sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna noong Oktubre 12, 2025 ng umaga.

Ayon sa ulat, inalok umano ng suspek ang menor de edad na samahan siyang bumili ng cake bilang sorpresa sa kaarawan ng ina nito. Nang malaman na sarado pa ang mall, ipinarada umano ng suspek ang sasakyan sa ikalimang palapag ng parking facility at doon na naganap ang insidente.

Dahil sa lakas ng suspek, hindi umano nakalaban ang biktima at nagmakaawa na lamang na tumigil ito at palayain siya.

Isinagawa ang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Republic Act No. 8353 o Anti-R*pe Law of 1997, na inilabas noong Pebrero 19, 2026, ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 101, Sta. Rosa City, Laguna, na walang inirekomendang piyansa.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wika na naiintindihan nito alinsunod sa umiiral na batas. Nakatakda siyang dalhin sa Sta. Rosa City Police Station para sa kaukulang disposisyon.

u/AbanteNewsPH — 4 days ago
▲ 470 r/newsPH

16 empleyado sugatan sa tumagilid ng truck sa SLEX

Labing-anim na empleyado ng isang construction firm ang nasugatan matapos tumagilid ang sinasakyan nilang utility truck sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Calamba City, Laguna.

Batay sa ulat, hinihinalang pumutok ang gulong ng truck habang binabagtas nito ang pinakaloob na lane ng expressway. Dahil dito, nawalan umano ng kontrol ang driver at sumalpok ang sasakyan sa concrete barriers sa gitna ng kalsada bago tuluyang tumagilid.

Ayon sa SLEX Highway Patrol Group, tumilapon mula sa truck ang isa sa mga pasahero dahil sa lakas ng impact ng aksidente.

Kabilang sa mga nasugatan ang driver at iba pang pasahero na pawang mga empleyado ng construction firm.

Samantala, nananatili sa intensive care unit (ICU) ang isa sa mga biktima matapos sumailalim sa operasyon upang malagyan ng metal implant ang kanyang balakang. | via Ronilo Dagos, Abante News

📹: Anecita Timbal Naive

u/AbanteNewsPH — 4 days ago
▲ 46 r/ShameTheCorruptPH+1 crossposts

Robin Padilla: Talagang ako’y kalat

‘TRAVELLER AKO’

Iginiit ni Sen. Robin Padilla na kalat siya sa buong Pilipinas dahil palipat-lipat umano ng tirahan ang kaniyang pamilya, kaya maituturing silang mga ‘traveller.’

Naglabas ng pahayag si Padilla matapos kumalat sa social media ang mga ulat at meme na nagtatanong kung saan talaga nagmula o naninirahan ang senador.

Naging usap-usapan ito matapos ang ilang pagkakataon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kung saan tinatanong ni Padilla ang mga testigo kung saan ang mga ito nagmula, at sinasabi rin niyang taga-roong lugar siya.

PANOORIN: https://www.facebook.com/reel/9908912040282

u/AbanteNewsPH — 4 days ago
▲ 8 r/newsPH

Nanlait kay Wes Gatchalian, kalaboso

Arestado ang isang 44-anyos na babaeng negosyante matapos sampahan ng kasong unjust vexation kaugnay ng kanyang mga pahayag laban kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian tungkol sa umiiral na truck ban sa lungsod.

u/AbanteNewsPH — 10 days ago
▲ 5 r/newsPH

Tsuper, helper dinekwat ₱664K mga alahas ng kliyente, nasakote

Kalaboso ang 41-anyos na driver at ang kanyang helper matapos umano nilang nakawin ang nasa ₱664,000 halaga ng mga alahas ng kanilang kliyente sa Quezon City, ayon sa ulat kahapon.

u/AbanteNewsPH — 10 days ago
▲ 85 r/newsPH

Legarda aminadong nagkamali na kumampi kay Cayetano – Lacson

Aminado si Senador Loren Legarda na nagkamali siya sa desisyong sumama sa minority bloc na pinangungunahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

u/AbanteNewsPH — 10 days ago
▲ 4 r/newsPH

Kwintas ng tindero hinablot ng kelot

Sapul sa CCTV ang panghahablot ng customer sa kwintas ng tindero sa tindahan ng bigas sa Barangay Masambong, Quezon City noong Sabado ng umaga, Oktubre 3, 2026.

Ayon sa uploader, nagpanggap na bibili ng bigas ang suspek.

Makikitang tila tinitingnan pa ng suspek ang quality ng bawat bigas.

Makalipas ang halos isang minuto, nang magsasalok na ng bigas ang tindero ay saka hinablot ang kwintas.

Hinabol ng biktima ang suspek ngunit hindi inabutan. Ini-report na umano nila ang insidente sa mga pulisya.

u/AbanteNewsPH — 10 days ago
▲ 6 r/newsPH

244 dayuhan timbog sa Zambo anti-POGO raid

Abot sa 244 dayuhan, karamihan ay mga Chinese, ang dinakip ng Bureau of Immigration (BI), katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) at Armed Forces of the Philippines (AFP), sa magkahiwalay na operasyon laban sa umano’y ala-POGO na operasyon sa Zamboanga Sibugay noong Oktubre 2, 2026.

u/AbanteNewsPH — 10 days ago
▲ 9 r/newsPH

Boying Remulla: Resibo vs smuggling iniipit ng BOC

Maraming kaso ng smuggling ang hindi umuusad sa korte dahil iniipit umano ng Bureau of Customs (BOC) ang mga dokumento na gagamiting ebidensiya.

u/AbanteNewsPH — 10 days ago
▲ 11 r/newsPH

DPWH niretoke 2027 budget

Niretoke ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang panukalang budget nila para sa 2027 matapos na sitahin ni Senate President Sherwin Gatchalian ang 7,107 na kaduda-dudang proyekto.

u/AbanteNewsPH — 11 days ago
▲ 28 r/newsPH

Pinasisingil sa DOE: COA kabado sa ₱10B utang ni Leandro Leviste

Kabado ang Commission on Audit (COA) na baka hindi makolekta ng gobyerno ang financial obligation ng solar firm ni Batangas Rep. Leandro Leviste.

u/AbanteNewsPH — 11 days ago
▲ 647 r/newsPH

Mayor Baste may pahiwatig o nagkakamot lang?

BASTE SA SENADO 👊🏽

Agaw pansin ang naging gesture o kumpas ng kamay ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte habang tumatayo bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Agad na naging usap-usapan sa social media ang nasabing aksyon, habang patuloy naman ang pagdinig ng Senate impeachment court sa kanyang testimonya.

u/AbanteNewsPH — 16 days ago
▲ 1.9k r/newsPH

Nireklamo sa NBI: Online casino tinakbuhan ₱433M panalo ng player

Nagpasaklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang online gaming player matapos umanong hindi ibigay sa kanya ng sikat na online gaming platform ang mahigit ₱433 milyon na premyong napanalunan niya.

u/AbanteNewsPH — 17 days ago
▲ 69 r/filipuns+1 crossposts

Kapitana naglupasay sa pagpapaliban ng BSKE

TUWANG-TUWA DAHIL EXTENDED ANG TERMINO NI KAPITANA

Nagpagulong-gulong sa tuwa si Barangay Libas, Isabela, Negros Occidental Captain Brenda Pagapang-Fernandez matapos ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026.

Ipinahayag ng kapitana ang kanyang kagalakan matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa BSKE 2026.

u/AbanteNewsPH — 19 days ago
▲ 2.0k r/DuterteLegacy+2 crossposts

Korina Sanchez-Roxas sa Davao City: ‘Parang sinauna pa rin’

'PUMUNTA NGA AKO NG DAVAO EH, PARANG 'ITO NA BA 'YUN?'

Sa programang 'Memo' ng Bilyonaryo News Channel na inere noong Setyembre 16, 2026, tahasang sinabi ni Korina Sanchez-Roxas na tila napag-iiwanan ang Davao.

Ayon kay Sanchez-Roxas, parang sinauna pa rin ang lugar.

Iginiit pa niya na marami pa rin mga lugar sa Davao ang walang progreso.

📹: Memo, Bilyonaryo News Channel

u/AbanteNewsPH — 22 days ago
▲ 197 r/newsPH

Termino ni Digong mas masahol sa 21 taon ni Marcos Sr.

DUTERTE ADMINISTRATION MAS MASAHOL SA MARCOS SR. ADMIN

Ipinaliwanag ni Clergy for Good Governance convenor Fr. Robert Reyes kung bakit mas masahol pa diumano ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa 21 taong pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand ‘Marcos’ Sr.

Ito ang kanyang inihayag sa #MEMO with Korina Sanchez-Roxas ng Bilyonaryo News Channel.

#MartialLaw

u/AbanteNewsPH — 24 days ago
▲ 11 r/PinoyCelebs+1 crossposts

Ate ni Kim Chiu kinalawit sa kinulimbat sa ₱44M

Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang 45-anyos na kapatid na babae ng aktres na si Kim Chiu sa kasong 124 counts ng qualified theft sa Mandaluyong City, nitong Linggo ng hapon.

u/AbanteNewsPH — 24 days ago
▲ 560 r/newsPH

Estudyante ng law school: Anak ng DPWH exec nahulog sa BGC condo, patay

BABALA, SENSITIBO ANG BALITA

Nasawi ang 24-anyos na anak ng isang Department of Public Works and Highways (DPWH) district engineer matapos umanong mahulog mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

u/AbanteNewsPH — 25 days ago
▲ 663 r/ph_politics+1 crossposts

Robin Padilla dismayado, lalayas sa ‘Pinas

Kinumpirma ni Senador Robin Padilla ang plano niyang pag-alis ng Pilipinas upang manirahan na lamang sa isang Islamic country dahil traumatic umano ang naging karanasan niya sa Senado.

u/AbanteNewsPH — 25 days ago
▲ 40 r/FilipinosAgainstChina+1 crossposts

China Coast Guard sinalpok barko ng BFAR sa Palawan

Binangga ng China Coast Guard ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagsasagawa ito ng fuel subsidy mission para sa mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS) nitong Biyernes nang madaling-araw, Setyembre 18.

u/AbanteNewsPH — 26 days ago